Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/02

Tagalog News: Dalawang flatbed dryers pinasinayaan sa M'lang, North Cotabato

Koronadal City (2 February) -- Dalawang flatbed mechanical dryers ang magkasunod na pinasinayaan Department of Agriculture-12 sa dalawang barangay sa bayan ng M'lang sa North Cotabato.

Ayon kay Ginintuang Masaganang Ani (GMA) Regional Rice Coordinator Ray Embajador, ang nasabing mga dyers ay ipinagkaloob sa Dugong, Langkong, and Sangat Irrigators Associations Inc. (DLSIA) ng barangay Langkong at Bagontapay, New Barbasa, Buayan and Lipaga Irrigations Association (BNBLIA) ng Barangay Bagontapay sa bayan ng M'lang.

Ang Flatbed Mechanical Dyers ay nagkakahalaga ng mahigit P500,000 ang bawat isa na itinayo sa pangunguna ng Bureau of Post harvest, Research and Extension (BPRE). Ang proyektong ito ay grant o libreng ipinagkaloob mula sa Agriculture Competitiveness Enhancement Fund o ACEF ng Department of Agriculture.

Dagdag pa ni Embajador, ang naturang dryers ay kayang magpatuyo ng anim na tonelada ng palay sa loob ng walo hanggang labin-dalawang oras.

Sa 58 dryers na itatayo sa region 12, meron na ngayong 29 ang ginagamit na ng mga irrigators association sa rehiyon. Para sa North Cotabato, 11 ang nakatakdang itatayo at lima nito ay para sa bayan ng M'lang.

Sa Sultan Kudarat Province ay may alokasyon na 18 flatbed mechanical dryers at 29 naman para sa probinsiya ng South Cotabato.

Lubos na nagpapasalamat ang dalawang IAs sa pangunguna ni Pablita Paclibar ng DLSIA at Nelson Magbanua ng BNBLIA. Sinabi nila na katuwang nila ang kanilang mga miyembro upang pangalagaan ang naturang proyekto.

Ang naturn-over ceremony ay dinaluhan nina Engr. Ramon Bugacia ng NIA-12, North Cotabato Provincial Agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan, Agriculture Program Coordinating Officer Mike Intao, M'lang Municipal Agriculturist Noime Nicolas, Nelly Ylanan ng DA-12 at mga local na opisyales. (eapasaol/rafid-DA12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Public warned on modus operandi of illegal recruiters
»No salmonella outbreak in Sta. Rita, DA says
»19-IB gears up to obliterate remnants of North Leyte NPA front
»Army, DTI sustain livelihood tie-up in sensitive cluster barangays of Leyte
»Tribu Paghidaet, Tribu Kasag chosen 2009 Dinagyang's best
»Hiligaynon News: Madamu nga mga bagsakan centers pagatukuron karon nga 2009
»Hiligaynon News: NSO magapanguna sa selebrasyon sang Civil Registration karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: Dental Health Month gina-selebrar karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: PGMA kaupod ang mga pinuno sang iban nga kapungsuran sa WEF sa Davos
»Hiligaynon News: DOLE may website para sa mga nagapangita trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines