Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/02

Tagalog News: Pamahalaan tutulong sa mga OFWs na nawalan ng trabaho - Palasyo

Manila (2 February) -- Tiniyak ng Malakanyang sa mamamayang Pilipino, lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapagaan ang hindi magandang bunga ng krisis pinansiyal sa daigdig at handa na rin umano ang mga programang tutulong sa mga naalis sa trabaho o pinauwing mga Pilipino buhat sa ibang bansa.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, inatasan na ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Department of Labor and Employment at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbuo ng mga hakbang upang agad na matulungan ang mga OFWs na nawalan ng trabaho.

Kabilang sa mga programa ang pagpapahiram ng puhunan sa mga OFWs na nawalan ng trabaho na kanilang magagamit sa pagsisimula ng negosyo at sanayin sila sa kaalamang kailangan naman ng ibang bansa.

Dagdag pa ni Remonde, kung may naalis na OFWs sa ibang bansa, may ibang mga bansa naman gaya ng Australia, New Zealand at Middle East na makapagbibigay ng trabaho sa mga OFWs.

Hiniling din ni Remonde sa mga Pilipino na maging mahinahon at tigilan ng 'maghasik ng takot' alang-alang sa kabutihan ng bansa, ng ekonomiya at ng sambayanan. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Public warned on modus operandi of illegal recruiters
»No salmonella outbreak in Sta. Rita, DA says
»19-IB gears up to obliterate remnants of North Leyte NPA front
»Army, DTI sustain livelihood tie-up in sensitive cluster barangays of Leyte
»Tribu Paghidaet, Tribu Kasag chosen 2009 Dinagyang's best
»Hiligaynon News: Madamu nga mga bagsakan centers pagatukuron karon nga 2009
»Hiligaynon News: NSO magapanguna sa selebrasyon sang Civil Registration karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: Dental Health Month gina-selebrar karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: PGMA kaupod ang mga pinuno sang iban nga kapungsuran sa WEF sa Davos
»Hiligaynon News: DOLE may website para sa mga nagapangita trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines