Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/03

Tagalog News: Imbestigasyon ukol sa mga pre-need firms, ikinasiya ng Malacanang

Manila (3 Pebrero) -- Ikinasiya ng Malacaņang ang sinagawang imbestigasyon ng Senado kahapon ukol sa pinansyal na problema ng mga pre-need firms ng bansa na nakapagdulot ng takot at pangamba sa edukasyon ng mga anak ng libu-libong plan-holders.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde kinakailangang maistablisa 'in aid of legislation' ang mga kadahilanan kung bakit ang industriyang ito ay nahaharap ngayon sa pagkalugi.

Sa kanyang direktiba, sinabi ni Pangulong Gloria Arroyo na walang dapat santohin ang Securities and Exchange Commission o SEC upang malaman kung sino ang responsable sa financial debacle na katumbas ngayon ng meltdown ng global economy.

Sa ginawang imbestigasyon sa Senado, inamin ni Legacy Group of Companies President Celso Delos Angeles na biktima ng pre-need plan si House Speaker Prospero Nograles. Sinabi niyang may utang pa ang kumpanya sa kanya ng mahigit sampung milyong piso.

Sinabi rin ni Delos Angeles na ginagawa nila ang double-your-money scheme ngunit itinangging sila ay sangkot sa pyramiding. Hindi naman ito pinaniwalaan ng SEC at ni Sen Mar Roxas.

Ikinadismaya din ng mga senador ang kakulangan ng SEC sa pag-aapruba ng mga pre-need plans sa bansa. Pinagalitan nila ang mga SEC officials sa hindi nila pabibigay ng proteksyon sa mga plan holders.

Iminungkahi naman ni SEC Chair Fe Barin sa mga mambabatas na magsagawa ng amendments sa SEC Law para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas. (VMHS/PIA-Pangasinan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PNP Caraga arrests wanted persons
»Veteran forester leads Bunawan campaign vs illegal logging and mining
»DENR chief relieves CENRO in Bayugan, Agusan del Sur
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo nagmando sa pag-iban sang basura
»Cebuano News: Pangulong Arroyo gidapit sa mga magbabalaud sa Estados Unidos
»NKTI-Redcop conducts medical and surgical outreach mission in Zambosur
»NKTI-Redcop to conduct lay forum at AEC
»Leyte solon, LIDEF sponsor free dental mission
»Basey Mayor complies with RA 9003
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo gin-agda sang mga mamalidha sang US
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines