Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/03

Tagalog News: PGMA iminungkahi ang pagtapos sa Doha round ng WTO

Manila (3 February) -- Sa ginanap na World Economic Forum (WEF) sa bansang Switzerland, iminungkahi ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tapusin ang Doha Development Round of Talks ng World Trade Organization (WTO) upang mapagaan ang bigat ng epekto ng pag-bagsak ng ekonomiya ng daigdig.

Inihayag ni Ambassador Manuel Teehankee, miyembro ng Philippine Mission sa WTO sa bansang Geneva na layunin ng Pangulong Arroyo na tapusin ang Doha Development Round sapagkat mahalaga umano ito upang harapin at tugunan ang pandaigdigang suliranin sa ekonomiya.

Binigyang diin rin ng Pangulo sa plenary session ng WEF na kinakailangang ipagpatuloy at tapusin ang Doha Round ng WTO upang makuha ng mga developing countries ang tamang lugar ng mga ito sa global structure ng ekonomiya.

Matatandaang isa ang Pangulong Arroyo sa anim na nagsalita sa plenary session ng World Economic Forum tungkol sa "Rebooting the World Economy" na pinangungunahan ni Matthew Winkler, editor-in-chief ng Bloomberg News kung saan ipinaliwanag ng Pangulong Arroyo ang mga kinakailangang hakbang upang muling mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PNP Caraga arrests wanted persons
»Veteran forester leads Bunawan campaign vs illegal logging and mining
»DENR chief relieves CENRO in Bayugan, Agusan del Sur
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo nagmando sa pag-iban sang basura
»Cebuano News: Pangulong Arroyo gidapit sa mga magbabalaud sa Estados Unidos
»NKTI-Redcop conducts medical and surgical outreach mission in Zambosur
»NKTI-Redcop to conduct lay forum at AEC
»Leyte solon, LIDEF sponsor free dental mission
»Basey Mayor complies with RA 9003
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo gin-agda sang mga mamalidha sang US
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines