Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/04

Tagalog News: 4 LGUs ng Sorsogon nominado para sa 2009 Philippine Wetlands Conservation Awards

Sorsogon Province (4 February) -- Apat na mga alkalde mula sa iba't-ibang mga Local Government Units dito sa lalawigan ng Sorsogon ang inimbitahan ng Department of Environment and Natural Resources Provincial Office na makilahok sa 2009 Philippine Wetlands Conservation Awards Call for Nomination.

Ang nasabing mga alkalde ay kinabibilangan nina Mayor Leovic Dioneda ng Lungsod ng Sorsogon, Mayor Benito Doma ng bayan ng Prieto Diaz, Mayor Helen Rose de Castro ng Bulan at Mayor Olivia M. Bermillo ng bayan ng Castilla.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Oscar Dominguez, ang apat na LGUs na ito ang nakikita nilang maaaring ilahok para sa nasabing wetland conservation awards dahilan sa natatangi nitong kontribusyon sa larangan ng pag-iingat at pagbibigay edukasyon at kamalayan ng publiko ukol sa wetlands.

Aniya, mayroon din ang mga kwalipikadong LGUs na ito ng malinaw na conservation policies, community empowerment, wise-use, restoration at rehabilitation ng mga wetlands na nasa kani-kanilang hurisdiksyon, kung saan ang natatanging mga praktis na ito ay kabilang din sa itinalagang criteria sa nasabing patimpalak.

Sinabi rin ni Dominguez na ang naturang mga LGUs ay may sustenableng wetland activities at pakikipagkawing sa iba't-ibang mga ahensya at organisasyon kung kaya't naging matagumpay ang implementasyon ng wetland conservation ng mga ito. Maliban dito, ay kinakitaan din ito ng pagpupunyaging makamit ang tinatawag na Integrated Coastal Management sa lugar na nasasakupan nila.

Sinabi ni Dominguez na ang Philippine Wetlands Conservation Awards ay bahagi ng pagdiriwang ng World Wetlands ngayong February 2009, kung saan magbibigay ang World Wetlands ng Incentive Award bilang pagkilala sa mahahalagang kontribusyon ng mga indibidwal, people's organizations at local government units sa makabuluhan at matalinong paggamit ng mga wetlands sa bansa.

Ang mga nominasyon o lahok ay isusumite direkta sa DENR-Protected Areas and Wildlife Bureau hanggang sa ika-28 ng Pebrero ngayong taon.

Itataon naman ang awarding of winners sa selebrasyon ng Biodiversity Day at Ocean Month sa darating na May 2009. Ang mananalong LGU ay makatatanggap ng P50,000.00 bilang premyo.

Ang World Wet Land Day ay ipinagdiwang noong February 2. Ito ay may tema ngayong taon na "Upstream Downstream: Wetland Connects Us All," kung saan nakatuon ito sa kahalagahan ng mga river basins.

Ang nasabing pagdiriwang ay nagbigay oportunidad din sa mga mamamayan dito na tingnan ang mga existing wetlands sa lalawigan at ang interconnectivity nito sa ibang bahagi ng kalikasan, kung papaanong nakakabenipisyo ito mula sa kapaligirang kinabibilangan nito at kung papaano ding ang mga gawain ng tao sa palibot ng river basin ay nakaaapekto sa kanilang wetlands. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Rural program to create 1M jobs
»PGMA understanding sought for thousands of homeowners
»OTI OTOP showroom now accepts orders
»National Arts Month begins
»BIR opens new Mindanao IT training center in Tagum City
»Panabo mayor's dental services reach more barangays
»Cebuano News: Malacanang nagdawat sa imbestigasyon sa Senado kalabot sa mga pre-need nga kompaniya
»CSC clarifies rule on rationalization
»Butuan CENRO gets promotion as full-fledged PENR Officer
»Cebuano News: Surigao del Sur padayon sa pagtigum ug damage reports sa tibuok probinsiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines