Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/04

Tagalog News: PGMA, inatasan ang DOLE na gumawa ng programa para sa mga OFWs na nawalan ng trabaho

Ni Venus H. Sarmiento

Dagupan City (4 Pebrero) -- Inatasan ngayon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pangunahan ang paggawa ng simple at hindi komplikadong implementasyon ng programa para sa mga Pinoy workers na nawalan ng trabaho sa ibayong dagat.

Ito ay ginawa ng Pangulo pagkarating sa Riyadh mula Milan, Italy kagabi pagkatapos dumalo sa World Economic Forum sa Davos Switzerland, upang tignan ang working at living conditions ng mahigit isang milyong OFWs sa Saudi Arabia.

Sinabi ng Pangulo na ang DOLE at Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) ang mangunguna sa mga programang ito. Inatasan din ng Pangulo ang dalawang ahensiya na makipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng livelihood assistance tulad ng Department of Trade & Industry at Department of Agriculture.

Pinaliwanag ng Pangulo na isang bilyong piso ang inisyal na alokasyon ng gobyerno para sa livelihood support ng mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa pandaigdigang krisis. Ang pondong ito, aniya, ay manggagaling sa OWWA, Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines.

Bilang tugon, sinabi ng DOLE na may 400,000 na trabaho para sa mga Pinoy ang naghihintay sa Middle East. Ang OWWA naman ay nagbukas ng Help Desks na nagbibigay ng serbisyong tulad ng skills training, retraining at livelihood services na nagbibigay ng P50,000 bilang tulong pinansyal sa pagpapatayo ng negosyo. (VMHS/PIA-Pangasinan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Rural program to create 1M jobs
»PGMA understanding sought for thousands of homeowners
»OTI OTOP showroom now accepts orders
»National Arts Month begins
»BIR opens new Mindanao IT training center in Tagum City
»Panabo mayor's dental services reach more barangays
»Cebuano News: Malacanang nagdawat sa imbestigasyon sa Senado kalabot sa mga pre-need nga kompaniya
»CSC clarifies rule on rationalization
»Butuan CENRO gets promotion as full-fledged PENR Officer
»Cebuano News: Surigao del Sur padayon sa pagtigum ug damage reports sa tibuok probinsiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines