Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/09

Tagalog News: CSC Sorsogon nilinaw ang Rationalization Program ng pamahalaan

Sorsogon Province (February 9) -- Upang higit na maintindihan ng mga residente dito ang usapin ukol sa rationalization program na ipinatutupad ng pamahalaan, nilinaw ni Mr. Roy Tobias Mata, Director II ng Civil Service Commission Sorsogon Field Office ang ilang mga mahahalagang puntos ukol dito.

Aniya, ang Executive Order No. 366 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2004 ay nag-aatas sa ehekutibong sangay ng pamahalaan na magsagawa ng istratehikong pag-aaral sa operasyon at organisasyon nito at magtalaga ng mga mapagpipiliang insentibo para sa mga manggagawa ng pamahalaan na maaaring maapektuhan ng rationalization of functions at rationalization ng mga ahensya sa ilalim ng ehekutibong sangay ng gobyerno.

Sa bisa ng nasabing direktiba ay tinukoy ang mga gawaing hindi na gaanong mahalaga at nakatutugon sa mga inaasahang gawain ng isang ahensya. Sa ganitong sistema din ay napagtuunan ng pansin ang operasyon at istruktura ng mga ahensya kung kaya't inaasahang mas maisasaayos at maiaangat ang kalidad at uri ng serbisyo publiko ng pamahalaan.

Ayon kay Mata, hindi apektado nito ang mga nasa serbisyo ng mga kapulisan, guro, health workers at maging ang nasa Local Government Units.

Aniya, sa lalawigan ng Sorsogon ay may ilang national government agencies na naapektuhan na rin ng pagpapatupad ng hakbang na ito. Ilan sa mga ito ay ang Civil Service Commission, Government Service Insurance System, Philippine Information Agency at Department of Interior and Local Government.

Sinabi ni Mata na ang mga apektadong manggagawa na may CSC appointments, maging ito may ay itinalaga bilang regular o temporary worker na naglalayong magretiro o tumiwalag na sa tungkulin ay bibigyang pagkakataong pumili ayon sa retirement schemes o generous separation package na ibibigay ng pamahalaan.

Habang yaong may permanent o temporary appointment na naglalayong manatili pa sa serbisyo sa pamahalaan ay ilalagay ng CSC sa ibang ahensyang nangangailangan ng karagdagang empleyado ayon sa kwalipikasyon at kakayahan nito, subalit, sa kasalukuyan, habang hindi pa sila nabibigyan ng panibagong assignment ay pansamantala muna silang mananatili sa kanilang pwesto.

Ayon sa ilang mga public servants dito, bukas naman sila sa ganitong hakbang ng gobyerno, subalit, nagpahayag din silang nawa'y tiyakin din ng pamahalaan ang kanilang seguridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang benepisyong nararapat sa kanila.

Sa ngayon, ayon pa sa kanila, na may kinakaharap na global economic crisis, mas makabubuting pag-aralan pa rin ng pamahalaan ang patuloy na pagpapatupad nito nang sa gayon ay hindi makadagdag ang rationalization program sa mga nawawalan ng trabaho sa bansa. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOH launches P100 drug regimen at EVRMC
»RDC-8 tackles integration of rights-based approach in dev't policies
»PGADC Zambo Sur eyes women and children issues
»Zambo City commemorates Dia de Roseller Lim
»Zambo CHO serves 600 Manicahan folks in free clinic
»Coastal town braces for greater role in environmental management through Al Khalifa
»Hiligaynon News: PhilHealth magapanguna sa selebrasyon sa National Health Insurance Month karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: Fil-Am nga Congressman sa Amerika nagpasalig sang suporta sa mga Pilipino
»Hiligaynon News: Bag-o nga US Secretary of State ginpasalig ang maayo nga relasyon sang Pilipinas kag Amerika
»Hiligaynon News: PGMA nag-abot na sa Pilipinas matapos ang pagbisita sa 5 ka mga kapungsuran
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines