Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/09

Tagalog News: PGMA bumalik na sa bansa mula sa isang linggong foreign visit

Manila (9 February) -- Dumating si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa bansa kahapon matapos ang isang linggong pagbisita sa limang (5) bansa upang isulong ang kapakanan ng mga mahihirap at emerging countries pati na rin ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers, World War II Filipino Veterans at paghihikayat ng iba't-ibang pamumuhunan para sa bansa.

Ayon kay Deputy Spokesperson Lorelei Fajardo, ang pagbisita ng Pangulong Arroyo sa bansang Estados Unidos, Switzerland, Italy, Saudi Arabia at Bahrain ay naging produktibo dahil nakipagpulong ito sa iba't-ibang matataas na opisyal ng mga nabanggit na bansa upang mapatibay ang samahan ng mga ito sa Pilipinas.

Maliban dito, nakipagpulong rin ang Pangulo sa mga matataas na opisyales ng malalaking korporasyon ng mga nabanggit na bansa na hinikayat ng Pangulong Arroyo na mamuhunan sa Pilipinas kung saan karamihan sa mga ito'y nangakong mamumuhunan sa bansa dahil naniniwala umano ang mga itong ang Pilipinas ay isa sa pinakamagandang lugar sa Asya upang mamuhunan.

Isa rin ang Pangulong Arroyo sa mga pinuno ng bansa sa buong mundo na unang nakipagpulong kay United States Secretary Hillary Clinton at sa mga nangungunang US legislators na sina Senator John Kerry, Chairman ng Senate Foreign Relations Committee; Daniel Akaka, Chairman ng US Senate Veterans' Affairs Committee; at Daniel Inouye, Chairman ng US Senate Appropriations Committee at staunch supporter ng World War II Filipino Veterans. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOH launches P100 drug regimen at EVRMC
»RDC-8 tackles integration of rights-based approach in dev't policies
»PGADC Zambo Sur eyes women and children issues
»Zambo City commemorates Dia de Roseller Lim
»Zambo CHO serves 600 Manicahan folks in free clinic
»Coastal town braces for greater role in environmental management through Al Khalifa
»Hiligaynon News: PhilHealth magapanguna sa selebrasyon sa National Health Insurance Month karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: Fil-Am nga Congressman sa Amerika nagpasalig sang suporta sa mga Pilipino
»Hiligaynon News: Bag-o nga US Secretary of State ginpasalig ang maayo nga relasyon sang Pilipinas kag Amerika
»Hiligaynon News: PGMA nag-abot na sa Pilipinas matapos ang pagbisita sa 5 ka mga kapungsuran
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines