Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/09

Tagalog News: Multi-sectoral summit gaganapin sa Malakanyang

Manila (9 February) -- Isang multi-sectoral summit na tatalakay kung paano maiiwasan ang pagkatanggal sa trabaho at paglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong sa mga industriya sa gitna ng kasalukuyang krisis pinansyal ang isinagawa ngayong araw sa Malakanyang.

Magiging panauhin sa pagtitipong tinawag na "Joining Hands Against The Global Crisis" ang Pangulo na kararating lamang buhat sa matagumpay na paglalakbay sa limang bansa upang isulong ang kapakanan ng mga Pilipino na beterano ng World War II at mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang summit ay katuparan ng kautusan ng Pangulo sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng summit upang masundan ang katatapos na multi-sectoral conference ng paggawa, puhunan at iba pang stakeholders na tumalakay sa mga hakbang na gagawin upang mapagaan ang epekto sa kabuhayan ng mga lokal at nasa ibang bansa na manggagawang Pilipino kaugnay ng pandaigdigang krisis sa kabuhayan.

Nauna ng inatasan ng Pangulo ang mga ahensiya ng pamahalaan na sikaping mapanatili ang mga trabaho at magpatuloy pa sa paghahanap ng mapapasukan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, gayundin ang pagpapatatag ng safety nets para sa paglago ng industriya. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOH launches P100 drug regimen at EVRMC
»RDC-8 tackles integration of rights-based approach in dev't policies
»PGADC Zambo Sur eyes women and children issues
»Zambo City commemorates Dia de Roseller Lim
»Zambo CHO serves 600 Manicahan folks in free clinic
»Coastal town braces for greater role in environmental management through Al Khalifa
»Hiligaynon News: PhilHealth magapanguna sa selebrasyon sa National Health Insurance Month karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: Fil-Am nga Congressman sa Amerika nagpasalig sang suporta sa mga Pilipino
»Hiligaynon News: Bag-o nga US Secretary of State ginpasalig ang maayo nga relasyon sang Pilipinas kag Amerika
»Hiligaynon News: PGMA nag-abot na sa Pilipinas matapos ang pagbisita sa 5 ka mga kapungsuran
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines