Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/10

Tagalog News: "Asenso Negosyo" ilulunsad ng Sorsogon council

Sorsogon Province (February 10) -- Isang programang tutulong sa mga walang trabaho ang nakatakdang ilunsad sa darating Huwebes, February 12, ala-una ng hapon dito sa lalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng Provincial Small and Medium Enterprise Development Council (PSMEDC).

Pinangalananang "Asenso Negosyo: Pan-o magpoon nin Negosyo", ito ay naglalayong matulungang makapagtayo ng sarili nilang mga negosyo o kaya'y maging mga entrepreneurs ang mga Sorsoganon na walang trabaho, nanganganib na mawalan ng trabaho dahilan sa kinakaharap ngayon na global financial crisis at ang mga college graduating students na walang tiyak na mapapasukang trabaho matapos ang kanilang graduation.

Ayon kay Department of Trade and Industry Sorsogon Provincial Director Leah Pagao, ang "Asenso Negosyo" ay bukas sa lahat ng Sorsoganon na may interes sa pagnenegosyo at sa mga residente ditong naglalayong malaman ang kani-kanilang kakayahan nang sa gayon ay makapagsimula ng mga aktibidad o proyektong mapagkakakitaan.

Aniya, ang konseptong ito ay binuo ng mga kasapi ng PSMED Council bilang paghahanda sakaling tamaan nga ng matinding epekto ng global financial crisis ang mga negosyante at residente dito.

Sa isinagawang pulong ng naturang konseho noong Huwebes, napagkasunduang matapos ang isasagawang launching kung saan magkakaroon ng profiling of skills ng mga lalahok, ay magkakaroon na ng regular skills enhancement and development training tuwing Miyerkules.

Anila, kung kakailanganin, nakahanda rin silang palawakin pa ito sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga skills training sa mga barangay sa lalawigan sa tulong na rin ng DILG.

Samantala, pinuri naman ng mga negosyante dito ang nasabing hakbang at sinabi nilang malaki ang magiging papel ng "Asenso Negosyo" lalo na kung dumating na nga sa puntong kailangan na nilang magbawas ng mga trabahador dahilan sa kinakaharap na krisis.

Nagpahayag din ang mga ito na bibigyan nila ng pagkakataong lumahok ang kanilang manggagawang interesado sa nasabing entrepreneurship awareness at skills training nang sa gayon ay maaari silang makapagdesisyon sa kanilang mga sarili kung higit na makabubuti para sa kanila ang magtayo na lamang ng sariling negosyo.

Ang Provincial Small and Medium Enterprise Development Council ay binubuo ng DTI, TESDA, DOLE, DILG, DOST, DENR, DA, PIA, Provincial Government, Sorsogon Chamber of Commerce and Industry, Sorsogon Area Productivity Movement at Sorsogon Producers Association. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»RP-US relations seen stronger under Obama Administration, US State Sec Clinton assures PGMA
»Show solid progress in bidding out, implementing projects under stimulus plan, PGMA directs key gov't agencies
»Waray-Waray News: Singko mil nga mga narses dadad-on han gobyerno ha mga kablas nga bungto
»Cebuano News: Green collar jobs' package igpapatuman
»Filipino workers still much sought for abroad
»BIR sustains Premyo sa Resibo Raffle promo
»Davao region's agri industry still shielded from crisis
»BOC expects efficient job with new exam area
»Cardiovascular disease, leading cause of death
»Davao Norte PPO takes child feeding
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines