Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Pagpapaunlad ng agrikultura nananatiling prayoridad ni Gob. Arnan

Calapan City (11 February) -- Dahilan sa ang agrikultura ang pangunahing industriyang pinagkukunan ng kabuhayan ng mamamayan at siyang bumubuhay sa ekonomiya ng Oriental Mindoro kung kaya't prayoridad pa rin ito sa mga programang pangkaunlaran ng Pamahalaang Panlalawigan.

Noong Enero 27, nakibahagi si Gobernador Arnan C. Panaligan sa pagpupulong ng mga kasapi ng SABAPECO Irrigators Association.

Ang samahan na may 600 myembro ay may kabuuang 400 ektarya ng palayang sinasaka sa nasasakupan ng mga barangay ng Sta. Rita, Balingayan, Personas at Comunal.

Ang patubig ng mga palayan sa mga nabanggit na barangay ay nanggagaling sa Baco Bucayao River Irrigation System. Subalit may ilang palayan na hindi naaabot ng naturang irigasyon kung kaya't ito ang naging kahilingan ng asosasyon sa Pamahalaang Panlalawigan.

Naging tampok na gawain sa pagpupulong ang pagkakaloob ng gobernador kay SABAPECO Chairman Venerando Sanchez, Sr. ng P90,000 tulong pinansyal sa asosasyon. Kasama ng gobernador sa gawain si City Mayor Salvador Leachon.

Gagamitin ang halagang galing sa gobernador upang ipambili ng mga shallow tube wells upang mapatubigan ang mga palayang hindi naaabot ng BBRIS.

Ayon sa gobernador, maliit na halaga ang hatid niya ngunit malaki ang maitutulong nito sa ating magsasaka sapagkat napakahalaga ng patubig sa mga palayan kung kaya't kasama na sa pondo ang Pamahalaang Panlalawigan ang suporta sa irigasyon.

Bukod pa, aniya, sa suporta sa irigasyon ay marami pang programa ang pamahalaan bilang suporta sa agrikultura tulad ng subsidy sa abono at certified seeds, paglulunsad ng mga pagsasanay tulad ng farmer's field school upang madagdagan ang kaalaman ng magsasaka sa mga makabagong pamamaraan at ang pagbibigay ng mga production loans.

Kagyat ding tinugunan ng gobernador ang mga kahilingang naipaabot sa kanya sa naganap na pagpupulong.. Inatasan niya si Assistant Provincial Agriculturist Nilo Dimailig na ipamahagi na sa SABAPECO ang 400 sako ng certified seeds. Isasama rin sa budget ng taong kasalukuyan ang pagpapakongkreto ng kalsada sa may boundary ng Brgy. Comunal at Del Pilar.

Isinabay na rin sa pagpupulong ang paggawad kay General Esco Brgy. Capt. Marilyn Lejano ng P90,000 tulong pinansyal para rin sa patubig ng mga magsasaka sa kanyang barangay na nasasakupan ng bayan ng Naujan.

Nagpakita ng suporta sa aktibidad si City Mayor Leachon at aniya'y kahit lungsod na ang Calapan ay agrikultura pa rin ang pangunahin nitong industriya kung kaya't handa ang Pamahalaang Panglungsod sa pagpapaunlad ng nabanggit na sektor.

Sapagkat walang humpay ang kanyang pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka upang bumuti ang kanilang kabuhayan, taos-pusong pasasalamat ang pahatid nina SABAPECO Chairman Sanchez at Brgy. Capt. Lejano sa gobernador.

Dumalo rin sa gawain sina Balingayan Brgy, Capt. Evangeline Beron, Personas Brgy. Capt. Ponciano Agillon, Del Pilar Brgy. Capt. Ryan Laya, Comunal Brgy. Capt. Jose Gandia, City Agriculturist Carlos Domingo at dating City Mayor Carlos Brucal. (PIA MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines