Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Payapa, tahimik ang Oriental Mindoro noong 2008

Calapan City (11 February) -- Higit na paigtingin ang kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at panatilihing isa sa mga pinakatahimik na lalawigan ang Oriental Mindoro.

Ito ang direktiba ni Gobernador Arnan sa Philippine National Police sa Oriental Mindoro sa taunang new year's call ng pamunuan nito sa kanyang tanggapan na isinagawa noong Enero 26.

Ang PNP new year's call ay taunang tradisyon na isinasagawa matapos na malipat sa mga pamahalaang lokal ang pangangasiwa ng PNP na itinadhana sa Local Government Code of 1991. Naging katuwang ni Gobernador Arnan si Provincial Administrator Adel C. Abas sa pagtanggap sa pamunuan ng PNP na pinangunahan ni Provincial Director Police Senior Superintendent Agrimero Cruz.

Sa ulat ni PD Cruz, maliban sa kaunting bilang ng isolated crime cases ay naipanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong lalawigan noong nakalipas na taon.

Aniya pa, nakapagsagawa ang pamunuan ng PNP na malalaking proyekto kabilang ang paglulunsad ng special weapons and tactics o SWAT training dahil sa buong pagsuporta ni Gobernador Arnan sa kanilang mga adhikaing pangkayapaan.

Nagkaloob si Gobernador Arnan ng P200,000 sa nasabing pagsasanay at para sa taong ito ay muling naglaan ng kaukulang pondo ang pamahalaang panlalawigan para sa pagpapatuloy ng nasabing pagsasanay.

Pinasalamatan din ng provincial PNP ang pamunuan ni Gobernador Arnan sa pagtataguyod nito ng Search for Outstanding Police Officers bilang pagkilala sa natatanging paggampan ng tungkulin at kontribusyon sa kabuuang pagsusulong ng kapayapaan ng lokal na kapulisan.

Inilahad naman ni Deputy Provincial Director for Operations Police Chief Inspector Christopher Abecia ang iba pang accomplishments ng PNP noong nakaraang taon. Ang mga planong pangkapayapaan para sa taong kasalukuyan ang ibinahagi naman ni PD Cruz.

Isa na rito, aniya, ang ilulunsad nilang zero tolerance campaign ng PNP na ang pinabuod ay ang pagkikintal sa isipan ng mga mamamayan na ang ang pag-iingat ang pinakamahalaga sa pag-iwas sa anumang krimen. Sinabi rin ni PD Cruz na higit nilang paiigtingin ang pagbabantay sa kahabaan ng Strong Republci Nautical Highway hindi lamang bilang pangangalaga sa mga lokal na mamamayan lalo't higit ang mga taga-ibang lalawigan na dumaraan sa SRNH.

Samantala, malugod na ipinaabot ni Gobernador Arnan na sa budget ng Kapitolyo ngayong taon ay naglaan siya ng pondo bilang welfare assistance sa mga pulis na mangangailangan nito. Inaprubahan rin niya ang ilang mga panukalang proyekto ng provincial PNP kasunod ang pagbibigay-direktiba sa lahat ng kasapi ng kapulisan na higit na gawing masigasig ang kanilang kampanya upang labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

"I am hoping that the PNP will continue to cooperate with the local government untis to ensure that 2009 will still be peaceful. Go hard against all forms of criminalities. Be more active and more vigilant. Maintain police visibility. And always maintain good relationship with the mayors. Ang pagsuporta ng mga punumbayan ay napakahalaga upang maitaguyod ng kapulisan ang mga kampanya nitong pang-kapayapaan," pahayag pa ng gobernador. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines