Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: 6 barangay health stations ipagagawa ngayong taon sa Oriental Mindoro

Calapan City (11 February) -- Magpapagawa ngayong taon ang pamunuan ni Gobernador Arnan ng anim na barangay health stations sa iba't ibang bayan sa lalawigan.

Ito ang isa sa mga mahahalagang impormasyon sa pagpupulong na ipinatawag ni Gobernador Arnan para sa implementasyon ng provincewide investment plan for health o PIPH. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kasapi ng technical working group ng PIPH at isinagawa sa conference room ng tanggapan ng gobernador sa Kapitolyo noong ikadalawampu't anim ng Enero.

Ayon kay Gobernador Arnan, tig-P400,000 ang laang pondo sa konstruksyon ng pasilidad na itatayo sa Binli, Bulalacao; Bait, Mansalay; Buong Lupa, Gloria; Sabang, Pinamalayan; Saclag, San Teodoro at Baclayan, Puerto Galera.

Kaugnay nito ay inatasan ng Gobernador si Provincial Engineer Elmer V. Dilay na ayusin na ang mga kailangang dokumento para sa kaagad na pagpapasimula ng konstruksyon ng health stations na ang mga pangunahing makikinabang ay ang mga katutubong Mangyan. Binigyang-direktiba rin ng Gobernador ang lahat ng mga nangangasiwa ng PIPH na tiyaking naipagkakaloob nang maayos ang mga serbisyong nakapaloob sa nabanggit na programang pangkalusugan.

Napag-alaman rin sa pagpupulong na umaabot na sa P60,421,517 ang nailaang pondo para sa implementasyon ng PIPH na nagmula sa Department of Health, European Commission at pamahalaang panlalawigan. Humigit-kumulang sa P60M rin ang ilalaan sa mga susunod na taon ng implementasyon ng programa. Sinimulan noong 2007, ang implementasyon ng PIPH ay tatagal ng limang taon.

Ayon kay OIC-PPDO Ernanie Decena, ang nabanggit na pondo ay nagamit sa trainings at capability-building ng public health providers at public finance management, pagbili ng medical supplies at equipment, toilet bowls, at pagsasaayos ng ilang mga pasilidad.

Kaugnay ng pondong nabanggit, isasaayos din ang ilang pasilidad sa provincial hospital kabilang ang water laboratory, provincial epidemiological surveillance unit at vaccines storage room.

Ang PIPH ay ang komprehensibo at malawakang programang pangkalusugan na binuo ng administrasyong Panaligan. Pinakamahalagang bahagi nito ang konstruksyon ng bagong provincial hospital at pagsasaayos at renobasyon ng Roxas at Pinamalayan Hospitals. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines