Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Kapakanan ng mga kawani ng pamahalaan, itinataguyod

Calapan City (11 February) -- Isang ordinansang naglalayong bigyan ng karagdagang insentibo ang mga kawani ng pamahalaan na kadalasa'y nagbubuwis ng kanilang buhay para mapangalagaan at maproteksyunan ang buhay ng mamamayan.

Ito ang pangunahing layunin ng SP Proposed Ordinance No. 02-2009 na nagtaguyod sa Welfare Assistance Program para sa mga unipormadong kawani ng PNP, AFP, Philippine Coast Guard, National Bureau of Investigation, at Bureau of Fire Protection.

Inaprubahan ang nabanggit na panukalang ordinansa sa unang pagbasa sa sesyon ng SP noong Enero 26 sa Kapitolyo, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Maria Estela Felipa M. Aceron.

Ang panukalang ordinansa ay inakda nina Bokal Romeo Infantado, Bokal Romeo S. Buenaventura at Bokal Ernesto Liwanag.

Ayon kay Bokal Infantado, sa ilalim ng panukalang ordinansa, pagkakalooban ng tulong medikal at legal ang mga kawani ng pamahalaan na sa paggampan sa kanilang mga tungkulin ay nalalagay sa panganib ang kanilang buhay. Isang paraan din ito aniya ng pag-aangat sa morale ng mga kawani ng pamahalaan.

Nakatakdang magsagawa ng committee hearing kaugnay sa nabanggit na panukalang ordinansa. Kasunod pa nito ang pagsalang nito sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa SP bago pa maipatupad sa lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines