Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Bayan ng Baco, ipinagdiwang ang ika-88 taong pagkakatatag

Calapan City (11 February) -- Makabuluhan ang naging pagdiriwang ng ika-88 taong pagkakatatag ng bayan ng Baco na may temang "Bacoeño, Nagkakaisa ang Isipan, Damdamin at Pagkilos Para sa Kaunlaran".

Upang magpasalamat sa mga biyayang tinanggap ng bayan sa nagdaang taon at sa taong kasalukuyan, isang misa ang panimulang gawain sa nabanggit na pagdiriwang.

Sa programang ginanap, sinabi ni Mayor Graciano dela Chica na lubos ang kanilang pasasalamat sa Maykapal sapagkat walang kalamidad na dumaan sa kanilang bayan ng nakalipas na taon. Aniya pa'y patuloy ang pag-unlad ng kanilang bayan sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Arnan, ni Congressman RGV at iba pang konsernadong ahensya at indibidwal. Ang pandaigdigang krisis na kinakaharap natin ay matama nating malalampasan sa ating pagtutulungan at pagkakaisa.

"Walumpu't walong taon na ang bayan ng Baco at nawa'y dobleng swerte ng kaunlaran ang matamo ng bayan sa taong ito," ang pahayag ng gobernador sa kanyang mensahe sa okasyon. Aniya pa'y "napapanahon ang tema ng selebrasyon sapagkat sa harap ng mga krisis at suliraning hinaharap ng ating bansa, pagkakaisa ang tunay na kailangan."

"Bagamat maliit na bayan ay malaki ang kontribusyon ng Baco sa pag-unlad ng lalawigan," dagdag pa ng gobernador. Pangunahing prodyuser ng agrikultura ang bayan at masigla na ang industriya ng turismo dito.

Katuwang sina Mayor dela Chica at Vice-Mayor Conrado Zulueta, ipinagkaloob ng gobernador ang mga plake ng pagkilala sa mga natatanging kabataang estudyante na nagtamo ng karangalan sa iba't ibang paligsahang panlalawigan at pangrehiyon.

Plake din ng pagkilala ang iginawad sa Pamahalaang Bayan na nakakuha ng ikalawang pwesto sa MIMAROPA Region sa mga programang pang-edukasyon mula sa National Literacy Council.

Pinangasiwaan din ng gobernador ang pagkakabit ng mga insignia bilang katibayan ng kanilang mga bagong ranggo sa mga kagawad ng kapulisan sa naturaang bayan.

Pasasalamat sa gobernador at sa lahat ng taong tumulong upang maging matagumpay ang pagdiriwang ang nagagalak na paabot ni G. Raymundo Aceveda, Chairman ng Executive Committe ng selebrasyon.

Nakibahagi sa okasyon sina Gng. Chalie Valencia, maybahay ni Congressman RGV, dating ABC President Sonny Bautista at ORMECO Board of Director Lito Hernandez na dating mayor ng bayan.

Matapos ang programa, sama-samang dumulog ang lahat sa piging ng sambayanan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines