Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Estado ng Calapan bilang regional government center, tinalakay

Calapan City (11 February) -- Upang matukoy ang kasalukuyang estado, mga isyu at suliraning may kaugnayan sa paglilipat ng sangay ng iba't ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal sa Lungsod ng Calapan bilang MIMAROPA Regional Government Center.

Ito ang pangunahing layunin ng pagpupulong na isinagawa noong Enero 27 sa Wil's Diner sa Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ni NEDA Regional Director Oskar D. Balbastro. Dinaluhan ito ni Calapan City Mayor Salvador Leachon at ng mga hepe at kinatawan ng iba't ibang regional line agencies gayundin ng mga hepe at kawani ng Pamahalaang Panlungsod, sa pangunguna ni City Administrator Jojo Perez.

Sa nabanggit na pagpupulong, tinalakay ni Balbastro ang mahahalagang isyung may kaugnayan sa mga nakaplanong paglilipat ng mga tanggapan dito sa Calapan. Ibinahagi naman ni Mayor Leachon ang mga panukala para sa pagtatayo ng Regional Government Center site sa lungsod. Hinikayat niya ang mga opisyal ng pamahalaan na makiisa sa patuloy na pagtataguyod sa Lungsod ng Calapan bilang sentrong pampamahalaan ng rehiyong MIMAROPA.

Pinayuhan naman ni Presidential Adviser for New Government Centers Victor Domingo ang mga dumalo na maging masigasig at huwag matitinag sa pagharap ng mga suliranin at pagsubok na kinakaharap ng rehiyon sa patuloy na pagtataguyod Calapan bilang Regional Government Center ng MIMAROPA.

Matatandaang Nobyembre 2007 nang lagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order 682 na nagtatalaga sa Lungsod ng Calapan bilang sentrong pampamahalaan ng rehiyon at nag-aatas sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaang nasyunal na maglagay ng kani-kanilang tanggapan sa Lungsod. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines