Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: 22 kasapi ng PNP-RMG at Philippine Army boluntaryong nagkaloob ng dugo

Calapan City (11 February) -- Dalawampu't dalawang (22) kasapi ng PNP-RMG at ng Philippine Army ang boluntaryong nagkaloob ng kanilang dugo noong Enero 28 sa PNP Headquarters sa Suqui, Lungsod ng Calapan.

Ang blood letting activity, na bahagi ng pagdiriwang ng ika-18 taong anibersaryo ng PNP, ay pinangasiwaan ng Oriental Mindoro Provincial Blood Council, sa pangunguna nina Bise-Gobernador at OMBC Chairman Estee M. Aceron, SP Committee Chair on Health and Sanitation Bokal Romeo Infantado, Dr. Jojo Leviste ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at mga myembro ng konseho.

Pinangunahan naman ni PNP-RMG Officer-in-charge Major Noel Ponollera ang mga boluntaryong nagkaloob ng dugo. Buong pagsuporta sa gawain, sa ngalan ng pamunuan ng PNP, ang ipinaabot ni OIC Regional Police Community Relations Police Superintendent Leovegildo Manaig.

Buong pasasalamat ang paabot ni Bise-Gobernador Aceron sa pamunuan ng PNP sa ipinapakita ng mga itong patuloy na pagsuporta sa adhikan ng Blood Council na makapangalap ng sapat na dugo para sa mga nangangailangang pasyente sa iba't ibang ospital sa lalawigan. Hinikayat niya ang mga Mindoreņo mula sa lahat ng sektor na makiisa sa blood donation activities ng pamahalaan.

Hinikayat rin ni Bokal Infantado ang lahat na boluntaryong magbigay ng dugo at ipinahayag ang mga benepisyong maibibigay nito sa blood donors. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines