Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Mahigit 700 katao nakinabang sa libreng gamutan sa Oriental Mindoro

Calapan City (11 February) -- Sapagkat naniniwala ang pamahalaang panlalawigan na ang mga programang pangkalusugan ay programang kontra-kahirapan kung kaya't higit pang tinitiyak ng administrasyon ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang maayos na pagpapatupad nito. Prayoridad para sa taong ito ang mga programang direktang sasagot sa kahirapan ng mamamayan bilang tugon sa lumalaganap na pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.

Noong Enero 31, isang libreng gamutan ang inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagtulungan sa Rotary Club of Calapan, Oriental Mindoro Association of Southern California (OMASC) at UST Medical Alumni Association of Southern California (UST MAASC).

Tinatayang umabot sa mahigit 700 katao sa lungsod ng Calapan ang nakinabang sa libreng gamutan na ginanap sa Capitol Square sa Kapitolyo.

Mga doktor, narses at iba pang personnel ang nagkaloob ng serbisyong medikal mula sa USTMAASC samantalang nagmula sa Provincial Hospital ang dental team.

Sa dinner at dance party na ginanap sa Riceland II sa lungsod ng Calapan bilang pag-welcome sa mga organisasyon at indibidwal na naging bahagi ng gawain, ipinahayag ng gobernador na pangunahin sa kanyang development agenda ang health care at edukasyon. Aniya, mula nang siya ay maging gobernador nakita niya ang kahalagahan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon. Ginagastusan, aniya, ang pangangalaga ng kalusugan at kaisipan ng indibidwal sapagkat ang tubo nito ay ang pagiging produktibo ng mamamayan na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng kaunlaran ng bayan.

Idinagdag ng gobernador na bukod sa mga libreng gamutan ay kabilang sa health sector development program ng lalawigan ang pagpapatayo ngayong taon ng bagong Provincial Hospital na magsisilbing medical center, ang pagsasaayos ng Pinamalayan Community Hospital, Roxas District Hospital, iba pang satellite hospital, rural health units at barangay health stations; re-training ng mga health personnel at ang pagtataguyod ng preventive aspect ng health care.

Pagkilala at pasasalamat sa kanilang mahalagang ambag sa programa ng lalawigan ang paabot ng gobernador kina Rotary Club of Calapan President Architect Wilfredo Apacible, OMASC Incoming President Atty. Ernie Cleofe, OMASC Immediate Past President Gng. Eleanor Evangelista at USTMAASC President Dr. Juanito Garlitos. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines