Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Healing priest Fr. Suarez, dumating sa Oriental Mindoro

by

Calapan City (11 February) -- Isang mapagpalang umaga ang bumungad sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro noong huling araw ng Enero sapagkat bumisita sa lalawigan ang Healing Priest na si Rev. Fr. Fernando Suarez.

Maaga pa lang ng araw na iyon ay dumagsa na ang tao sa harapan ng Sto. Niņo Cathedral sa lungsod ng Calapan upang mabasbasan at makapagpagamot ng kanilang mga karamdaman.

Kasama si Gobernador Arnan, Calapan City Parish Priest at Vicar General Rev. Fr. Nestor Adalia at iba pang opisyal ng lalawigan at mga myembro ng iba't ibang religious organizations sa pagsalubong kay Fr. Suarez sa St. Benedictine Monastery sa Brgy. San Rafael.

Matapos ito ay nagtungo na si Fr. Suarez sa katedral para sa misang pasasalamat.

Libong mananampalataya na may iba't ibang karamdaman o nais makatanggap ng biyaya ang dumagsa sa loob at labas ng simbahan upang damhin ang presensya ng Maykapal sa pamamagitan ng mapagpalang mga kamay ni Fr. Suarez.

Si Fr. Fernando Suarez ay tubong Lobo, Batangas na naitalaga sa Canada upang magpalaganap ng misyon ng Simbahang Katoliko. Sa naturang bansa nagsimula ang kanyang "gift of healing". Bumabalik siya sa Pilipinas upang magkaloob ng healing service sa kanyang mga kababayan. Aniya'y ipinagkatiwala sa kanya ang ganitong gawain upang ipaalala sa ating lahat na may Amang kumakalinga at tutugon sa ating bawat panalangin. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines