Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: Pagpapaunlad sa mga barangay ipinagpapatuloy ni Gobernador Arnan

Calapan City (11 February) -- Sa istrukturang pampulitika sa Pilipinas, pinakamababang yunit ang mga barangay ngunit napakahalaga ng papel na kanilang ginagampanan sa lipunan sapagkat sila ang pundasyon. Kapag matatag ang pundasyon, titibay ang mga bayan at higit na susulong ang kaunlaran ng lalawigan.

Ito ang naging pamantayan ng pamamahala ni Gobernador Arnan kung kaya't walang humpay ang kanyang paghahatid ng mga programang pangkaunlaran at serbisyong pampubliko sa mga barangay.

Noong Enero 27, nakipagpulong ang gobernador sa mga kapitan ng barangay ng bayan ng Puerto Galera sa pangunguna ni ABC President Elino Candava.

Sa naturang pagpupulong na ginanap sa conference hall ng Kapitolyo, sinabi ng gobernador na malaki ang ambag ng Puerto Galera sa kabuuang pagsulong ng lalawigan sapagkat isa na ito sa tanyag na tourist destination hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Handa, aniya, ang Pamahalaang Panlalawigan na magkaloob ng kinakailangang tulong upang higit pang pagyamanin ang industriya ng turismo sa bayan.

Nagkakaisa ang mga dumalong opisyales sa kanilang pasasalamat sa paglalaan ng gobernador ng pagkakataong ito upang maipaabot nila ang pangangailangan ng kani-kanilang nasasakupan. Mayorya ng kahilingan ay mga proyektong pang-imprastraktura na bilang suporta sa lumalagong industriya ng kanilang bayan.

Nangako ang gobernador na tutugunan ang mga prayoridad na kahilingan at makakaasa ang mga ito na ipatutupad ang mga ito sa loob ng taong kasalukuyan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines