Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: PGOM nanatili ang posisyong pigilan ang pagmimina sa Oriental Mindoro

Calapan City (11 February) -- Consultation Dialogue on Peace and Order ng 203rd IB at ALAMIN, naging daan sa pagkakaunawaan.

Nananatili ang oposisyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa anumang planong malawakang pagmimina sa Oriental Mindoro.

Ito ang binitiwang mensahe ni Provincial Administrator Adel Abas, na kinatawan ni Gobernador Arnan, sa Consultation Dialogue on Peace and Order sa pagitan ng mga myembro ng 203rd IB at ALyansa Laban sa Mina (ALAMIN) na ginanap sa kapitolyo noong Enero 27.

"Ang Provincial Government sa pangunguna ni Gobernador Arnan C. Panaligan ay naninindigan sa posisyon na labanan ang nakaambang pagmimina at patuloy na ipatutupad ang 25 year moratorium sa ating lalawigan" ayon kay PA Abas.

Sa isinagawang dayalogo, nagkakaisa ang mga lumahok dito sa layuning maprotektahan ang lalawigan sa mga bantang pagmimina at maitiyak na ligtas ang mga mamamayan nito.

Kinikilala naman ni ALAMIN Chairman at dating Bokal Ligorio Turano ang walang humpay na suporta ni Gobernador Arnan sa kanilang kampanya at patuloy na paglaban sa nagbabanta sa kapaligiran, kaligtasan at kabuhayan ng mamamayang Mindoreņo.

"Salamat nandiyan ang Provincial Government, sa pangunguna ng ating Gobernador na taun-taon ay nagbibigay ng financial assistance gayundin kay Bokal at Dr. Romeo Infantado na sumusuporta din," ayon naman kay ALAMIN Chairman Turano.

Sa panig naman ng Philippine Army, tuwirang sinabi ni 203rd Infantry Brigade Commander Col. Bonifacio de Castro na katuwang sila ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapanatili ng kapayapaan at susuporta sa magandang layunin nito na maprotektahan ang lalawigan kasabay din ng panawagan sa kapwa sundalo na maging disiplinado upang makamit ang respeto ng mga mamamayang Mindoreņo.

Isa si Balik-Loob Foundation Secretary General Agnes Lopez Reaņo sa nanguna sa dayologo kasama sina St. Augustine Seminary Residence Priest Father Edwin Gariguez, 203rd brigade staff Hilarion Palma, Doris Melgar ng KAFCODE, Father Arnold Magboo ng San Teodoro Immaculate Concepcion Parish, iba't ibang NGO's, barangay officials at ang mga nasa hanay ng AFP. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines