Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/11

Tagalog News: NFA Oriental Mindoro 2008 palay procurement, pinarangalan

Calapan City (11 February) -- Pinarangalan ni NFA Regional Director Efren J.. Sabong ang NFA Oriental Mindoro sa pamumuno ni OIC Manager Jaime S. Hadlocon matapos itong makapagtala ng 431,000 bags ng napamiling palay sa mga magsasaka ng lalawigan noong nakaraang taon.

Sa kauna-unahang pagkakataon, tumaas ang bilang ng napamiling palay ng NFA Oriental Mindoro noong 2008 nang may 2,592% mula sa target nitong mahigit 16,000 bags lamang ng palay.

Ayon kay OIC Hadlocon, nakatulong nang malaki ang isinagawa nilang matinding information, education at communication strategies sa mga magsasaka at kooperatiba na humihikayat na sa kanila ibenta ang mga naaning palay ng mga ito.

Malaking tulong din, aniya, ang pagbibigay nila ng P1,800 fertilizer cash incentive para sa sa bawat 50 kabang palay na mabebenta sa kanila ng mga magsasaka at kooperatiba.

Sa kasalukuyan, naghihintay ng ekstensyon si Manager Hadlocon sa pagbibigay ng insentibo na natapos noong Enero 31. Gayunman, patuloy pa rin, aniya, ang kanilang tanggapan sa pamamahagi ng bigas sa may 201 aktibong akreditong outlet ng Tindahan Natin (TN) sa lalawigan. Kabilang rito ang Institutionalized Bigasan sa Palengke, Tindahan Natin sa Parokya, at Tindahan Natin sa Barangay na nagbebenta ng bigas sa halagang P25 lamang bawat kilo. Ipinaalam niyang nag-expire na ang pagbebenta ng mga ito ng P18.25 kada kilo dahilan sa mas mataas na aniya ang kalidad ng bigas na ibinebenta ngayon ng NFA na nagmumula na sa mga palay na inaani mismo sa lalawigan.

Dagdag pa niya, bagama't 100 porsyento na aniyang natapos ang pamamahagi ng bigas sa Grade I at Preparatory students, tuloy naman ang pamamahagi nito sa mga day care pupils sa ilalim ng 1 kilo rice per child na pinamamahalaan ng Department of Social Welfare and Development at Provincial Social Welfare and Development Office.

Samantala, nanawagan si Hadlocon sa mga gilingan na itigil na ang maglabas ng mga substandard na kalidad ng bigas. Kabilang rito ang paggiling ng lumang bigas upang magmukha itong bago at maputi sa paningin ng mga mamimili. Nanawagan din siya sa mga consumer na maging mapagbantay laban sa mga nagbebenta ng NFA rice nang mahigit sa P25 per kilo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOT 8 facilitates production of Eastern Visayas brochure maps
»T'bolis welcome NCIP delineation of ancestral domain
»Child Sexual Abuse Prevention Week set February 8-14
»Canada, UPMin to bring McLuhan Forum to Davao City
»AGR Charity Run on Feb. 14
»DTI cedes greater portion of Gredu property to occupants
»Feature: Celebrate love month with art
»30% of Region XI barangays landslide prone - MGB
»DOLE XI facilitates employment for retrenched workers
»Companies must adopt "flexible work" rather than total closure
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines