Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/16

Tagalog News: Napa-ulat na mass layoffs sa mga ahesya ng pamahalaan walang katotohanan - Andaya

Manila (16 February) -- Pinasinungalingan ni Budget Secretary Rolando Andaya ang mga napa-ulat na pagkakaroon umano ng mass layoffs sa mga empleydo ng pamahalaan. Ani Andaya walang katotohanan ang mga napa-ulat sa halip ay mangangailangan umano ang pamahalaan ng maraming bilang ng mga empleyado ngayong taon.

Ani Andaya hindi umano gaanong naapektuhan ang public sector sa impact ng economic crunch na nagresulta ng mass layoffs sa pribadong sector. Sa katunayan umano ay magkakaroon ng mass hiring sa ilang ahensya ng pamahalaan at ang pondo ay kukunin mula national budget ngayong taon.

Ito ang naging reaksiyon ni Andaya sa pahayag ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), isang progresibong public sector sa Pilipinas kung saan dahil umano sa rationalization plan ng pamahalaan maraming bilang ng mga empleyado ang nawalan ng trabaho.

Ayon kay Andaya ang Kagawaran ng Edukasyon ng mangangailangan ng sampung libong (10,000) guro at karagdagang dalawang libong (2,000) miyembro ng non-teaching personnel.

Mangangailangan din ng limang-daang (500) jail guards ang Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Corrections. Mahigit tatlong-libong pulis naman ang kakailanganin ng tanggapan ng Philippine National Police sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). (ABB/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»GSIS calls on gov't entities to insure all gov't properties
»Feature: Making communities safe haven for children
»Commentary: Lessons from the ants and RP's moves to brace for the slowdown in global economy
»PGMA's AO 255 calls for zero tolerance for corruption, promotion of Filipino values
»Cebuano News: Ang Moody's nagpalig-on sa maayong panglantaw sa rating sa Pilipinas
»Cebuano News: Bag-ong pamaagi ni PGMA alang sa kalinaw sa Mindanao nagmalampuson didto sa North Mindanao
»Cebuano News: PGMA nag aghat sa mga LGUs pag bontog sa global warming pinaagi sa solid waste management
»GSIS fast-tracks members' records updating nationwide
»Cebuano News: TESDA nanguna sa skills-matching job fair alang sa 2,500 ka mga trabahador nga nawad-an ug trabaho
»Cebuano News: PGMA mobisita sa TESDA aron paglantaw sa nagpadayong tabang sa mga walay trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines