Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/17

Tagalog News: Pagtalakay sa climate change, patuloy sa Laguna

Sta Cruz, Laguna (17 February) -- Kabilang sa Seven Point (7) Agenda ni Gob. Teresita S. Lazaro ay ang Sulong Kapaligiran na naglalayong pangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman ng buong lalawigan kung saan bahagi ang climate change sa nasabing programa.

Ayon kay Chris Sanji, Provincial Information Officer, patuloy ang pagtalakay ng panlalawigang ehekutibo sa mga usapin hinggil sa mga posibleng pinsala at mga pamamaraan para maibsan ang matinding epekto ng pagbabago sa klima o panahon sa mga pagpupulong partikular sa pagpapatupad ng mga programang pangkapaligiran.

Sinabi ni Sanji, na ang programa ng punong lalawigan sa climate change ay naaayon sa kautusan ng Pangulong Gloria Macapagal-Aroyo na magsagawa ang mga local na pamahalaan ng mga advocacy projects upang magkaroon ng sapat na kaalaman at pagkaunawa ang mga mamamayan sa mga dapat gawin at panganib sa ekonomiya at buhay ng tao kung ipagwawalang bahala at hindi suportahan ang programa ng pamahalaan hinggil dito.

Kaugnay nito, sinabi ng information officer na pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ang pagsasagawa ng isang malawakang symposium on climate change na pinamagatang " A Planet In Peril" sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos,Laguna na dinaluhan ng mga mag-aaral at kinatawan ng ibat-ibang sektor sa komunidad.Pinagunahan din ang 1st CALABARZON Multi-Sectoral on Climate Change Forum na ginanap sa Laguna Cultural Center kung saan inimbita ang mga sektor na direktang apektado mula sa ibat-ibang lalawigan sa buong rehiyon.

Ilan aniya sa mga mahahalagang tinalakay sa mga kaganapang ito ay ang dahilan sa pagbabago ng klima, epekto sa agrikultura, kalusugan ng tao, risk reduction at response sa climate change.at pagbibigay diin sa tinatawag na emission reduction of various gases tulad ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide, hydrofluorocarbons, sulfur hexafluoride, at iba pang greenhouse gases. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sanitation now DOH's top priority
»Region XI launches "HL to the Max"
»Feature: Home-cooked vegetables still the best
»Total power outage hits Davao Light franchise area
»DENR launches hunt for CARAGA Region timber smugglers
»Roxas seeks VAT exemption for senior citizens
»Cebuano News: Pondo sa US alang sa mga WWII beterano, gikalipay
»GTZ fund to help mitigate impact of climate change
»Sulu consumers set to avail power subsidy from PGMA's Pantawid Kuryente program
»Cebuano News: PGMA ninglihok mahitungod sa pagmenos ug pagsulbar sa mga kaso sa droga
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines