Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/17

Tagalog News: Alitan sa pagitan ng pamahalaan at MILF maaaring ayusin - Razon

Manila (17 February) -- Tiwala si Presidential Adviser on the Peace Process Avelino Razon Jr. na maipagpapatuloy pa rin ang naudlot na usaping pang-kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sinabi nitong ang alitan sa pagitan ng magkabilang panig ay maaaring ayusin at resolbahin sa pamamagitan ng maayos na usapan.

Binigyang diin ni Razon na naniniwala itong walang problemang hindi nasosolusyunan bilang sagot sa nauna ng pahayag ni MILF Deputy Information Chief Khaled Musa na ang peace negotiations ng kanilang grupo sa pamahalaan ay hindi magaganap sa lalong madaling panahon dahil hindi umano sang-ayon ang kanilang pamunuan sa mga kondisyon nito.

Dagdag pa ni Razon, ipagpapatuloy pa rin na pamahalaan ang bawat hakbang para sa pagkamit ng kapayapaan gaano man ito kaliit sapagkat ang tagumpay ng peace panel ng gobyerno ay katumbas ng pang-matagalang kapayapaan hindi lamang sa Mindanao kundi pati na rin umano sa buong bansa.

Ayon pa kay Razon, mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagtugon sa peace process dahil naniniwala itong hangga't hindi pa naipagpapatuloy ang usaping pang-kapayapaan, ang mga mamamayan partikular na sa Mindanao na naaapektuhan ng kaguluhan ay patuloy na magdurusa. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sanitation now DOH's top priority
»Region XI launches "HL to the Max"
»Feature: Home-cooked vegetables still the best
»Total power outage hits Davao Light franchise area
»DENR launches hunt for CARAGA Region timber smugglers
»Roxas seeks VAT exemption for senior citizens
»Cebuano News: Pondo sa US alang sa mga WWII beterano, gikalipay
»GTZ fund to help mitigate impact of climate change
»Sulu consumers set to avail power subsidy from PGMA's Pantawid Kuryente program
»Cebuano News: PGMA ninglihok mahitungod sa pagmenos ug pagsulbar sa mga kaso sa droga
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines