Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/19

Tagalog News: Mga natatanging kabataan sa Bulacan, nakatakdang parangalan

Lungsod ng Malolos (19 February) -- Nakatakdang parangalan ang mga natatanging kabataan sa Bulacan sa gaganaping Gintong Kabataan Awards sa ika-20 ng Pebrero sa Hiyas Convention Center, lungsod na ito.

Sa pamamagitan ng Gintong Kabataan Awards (GKA), kikilalanin ang mga kabataang may angking kahusayan at kakayahan sa 11 larangan kabilang na ang isports, sining at kultura, sining biswal at sining sa pagganap, propesyunal, entreprenyur, paglilingkod sa pamayanan, kagalingang pangakademya at agham sa high school at college level, larangan ng paggawa, mambabatas, Sangguniang Kabataan, at bayani.

Ayon kay Gng. Elizabeth Alonzo, hepe ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts and Culture Office, umabot sa 61 ang pumasok na nominasyon na idinaan sa masusing ebalwasyon ng mga kasapi ng screening committee sa pangunguna ni Fr. Dennis Espejo, ang tagapangulo ng Provincial Youth Development Council Foundation, Inc na tagapagtaguyod ng GKA.

Ang mga nominado ay kinakailangang may dugong Bulakenyo o naninirahan sa nakaraang tatlong taon, may edad na 15 hangang 35, at ininomina ng isang indibidwal o institusyon na residente.

Bibigyan rin ng special citation ang mga topnotcher na kabataang Bulakenyo. Tatanggap sila ng plake ng pagkilala, tropeo, at cash prize.

Naniniwala si Bulacan Governor Joselito Mendoza na ang mga natatanging kabataang maiitatanghal ay magsisilbing modelo sa ibang kabataan at magpapatanyag sa Bulacan bilang lalawigan ng mga magigiting.

Ang mga pararangalan ngayon ay mapapabilang na sa hanay ng iba pang GK awardees tulad nina Richard Gomez, Ian Veneracion, Jolina Magdangal, mang-aawit na si Roxy Barcelo, chess Grand Master Mark Paragua, basketbolistang si Vergel Meneses, beauty queen na si Maricar Balagtas at mga TV personality na sina Arnold Clavio ng GMA 7, Cheryl Cosim ng ABS-CBN at marami pa. (PPAO thru PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: GRP andam na para makighurohimangraw hit MILF Razon
»Waray-Waray News: Mga opurtunidad nakatalaan ha mga miyembro ha pag piperma ni Presidente Arroyo han 'Cooperative Code of 2008'
»Cebu Pacific now flies Manila-Calbayog
»Waray-Waray News: Task force, mag iimbistigar han mga nagtalapas han Oil Deregulation Law
»Comelec offices open on Saturdays, holidays starting February 28
»Decision on proposed fare cut to be announced before weekend, says LTFRB
»$198-M compensation package shows America's great respect for Filvets - US Embassy
»PGMA, investors visit Samal Mariculture Park
»Opportunities in Samal "aqua-industrial park"
»Finance Secretary, BIR Commissioner to lead BIR's kick-off tax campaign
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines