Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/19

Tagalog News: Mt. Banahaw, sarado pa rin sa publiko

by Lito M. Giron

Lucban, Quezon (19 February) -- Muling dinagdagan ng panibagong tatlong (3) taong pagkakasara ang ipinasa ng Protected Area Management Board (PAMB) para sa ng Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape sa kanilang pagpupulong na ginanap sa Southern Luzon State University (SLSU) sa bayang ito kamakailan.

Ngayong 2009 ay ang ika-limang taong pagkakasara ng Mt. Banahaw simula nang ito ay ipasara noong Marso 9, 2004 sa pamamagitan ng PAMB Resolution No. 2004-0001. Pinakamabigat na dahilan kung bakit isinara ang Bundok Banahaw ay ang pagka-diskubre ng mga experto na ang inuming tubig na nanggagaling dito ay kontaminado na ng coliform bacteria o bakteryang nagmumula sa dumi ng tao at dala na rin ng basurang naiiwan ng mga dumadayo rito tuwing panahon ng semana santa.

Sa pag-aaral ng PAMB, kanilang napag-alaman hindi pa handa ang Bundok Banahaw upang muling akyatin ng mga tao. Kung kaya't ang pagpapalawig ng moratorium ang kanilang inerekomenda para mas higit na maprotektahan ang pagkasira ng bundok.

Inihahanda pa rin ng PAMB ang management plan nito para sa paggamit sa mga lugar na idineklarang strict protected zone at multiple-use zone at ang kaukulang carrying capacity sa dalawang bundok.

Matatandaan na noong taong 2006, sa ika-dalawang taong pagkakasara nito ay nai-dokumento ng Tanggol Kalikasan ang pagkakaroon ng "rafflesia" na sinasabing pinakamalaking bulaklak sa buong mundo kaalinsabay nito ay ang muling panunumbalik ng tubig sa Cristalino Falls.

Ang Mt. Banahaw ay tanyag sa pagiging mystical nito na dinarayo ng mga tao tuwing semana santa. (PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: GRP andam na para makighurohimangraw hit MILF Razon
»Waray-Waray News: Mga opurtunidad nakatalaan ha mga miyembro ha pag piperma ni Presidente Arroyo han 'Cooperative Code of 2008'
»Cebu Pacific now flies Manila-Calbayog
»Waray-Waray News: Task force, mag iimbistigar han mga nagtalapas han Oil Deregulation Law
»Comelec offices open on Saturdays, holidays starting February 28
»Decision on proposed fare cut to be announced before weekend, says LTFRB
»$198-M compensation package shows America's great respect for Filvets - US Embassy
»PGMA, investors visit Samal Mariculture Park
»Opportunities in Samal "aqua-industrial park"
»Finance Secretary, BIR Commissioner to lead BIR's kick-off tax campaign
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines