Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/19

Tagalog News: Paggamit ng plastic bags, ipagbabawal na sa Lucena

by Lito M. Giron

Lucena City (19 February) -- Ipagbabawal na dito ang paggamit ng plastic bags at iba pang kauri nito sa lahat ng tindahan bilang tugon sa tuluyang pagpapatupad ng Republic act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Sa isang draft resolution na inihain ni Konsehal Benny Brizuela, nakasaad dito na dapat ng ipagbawal ang paggamit ng lahat ng uri ng plastic bags at iba pang kauri nito lalo na sa kung pagkain ang ilalagay dito.

Kanyang tinuran ang paggamit ng stryrofoam ng lahat ng malalaking fast food chains na nagnenegosyo dito ay sobrang nakababahala hindi lamang sa kalusugan ng mga tao maging sa magiging kalalagayan ng ating kapaligiran.

Kalimitan na ang mga plastic materials ang nagiging sanhi ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig at nakakasira sa kondisyon ng kapaligiran, dagdag pa ng konsehal.

Aminado ang konsehal na ang batas na R.A. 9003 ay matagal na nabinbin ang pagpapatupad dito sa lungsod kung kaya't napapanahon lamang na dapat na tuluyan na itong ipatupad.

Nakasaad sa batas ba ito na ang bawat barangay ay dapat na sumunod sa itinakdang pagtatapon ng basura na dapat ay may suportang teknikal mula pamahalaang lokal na nasasakupan ng barangay.

Samantala, ayon kay Essie Verso, chief ng Environmental & Management Board ng Provincial Environment & Natural Resources, na lubhang may kahirapan na ipatupad ang batas na ito dahilan sa nakagisnan na ng mga tao ang paggamit ng plastics sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Anya, dapat na ito ay simulan sa pamamagitan ng pagre-regulate at mahigpit na pagpapatupad ng waste segregation.

Sa ibang lugar dito sa CALABARZON region, tulad sa Los Baños, Laguna ay mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng plastic bags sa mga pamilihan. Supot na papel ang kanilang ginagamit sa pagbabalot ng mga pinamili at may kaukulang diskwento sa mga mamimili na mayroong dalang sariling basket sa pamimili. (PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: GRP andam na para makighurohimangraw hit MILF – Razon
»Waray-Waray News: Mga opurtunidad nakatalaan ha mga miyembro ha pag piperma ni Presidente Arroyo han 'Cooperative Code of 2008'
»Cebu Pacific now flies Manila-Calbayog
»Waray-Waray News: Task force, mag iimbistigar han mga nagtalapas han Oil Deregulation Law
»Comelec offices open on Saturdays, holidays starting February 28
»Decision on proposed fare cut to be announced before weekend, says LTFRB
»$198-M compensation package shows America's great respect for Filvets - US Embassy
»PGMA, investors visit Samal Mariculture Park
»Opportunities in Samal "aqua-industrial park"
»Finance Secretary, BIR Commissioner to lead BIR's kick-off tax campaign
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines