Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/19

Tagalog News: Katahimikan sa CALABARZON, pokus sa RPOC meeting

Calamba City (19 February) -- Nagpulong ang mga kasapi ng Regional Peace and Order Council (RPOC) na kinabibilangan ng mga pangrehiyon pinuno ng ibat-ibat ahensiya ng pamahalaan at kinatawan ng ilang pribadong organisasyon na ginanap kamakailan sa Multi-Purpose Hall, DepEd Bldg., Lungsod na ito sa pangunguna ni Hon. Joaquin M. Chipeco, Jr.,. Punong Lungsod at Chairman ng RPOC IV-A upang talakayin ang ilang mahahalagang bagay para sa mas higit na kapayapaan at katahimikan sa buong rehiyon.

Ilan sa mga pangunahing isyu na tinalakay ay ang aksiyon ng council sa 53 ektarya ng lupa na kapwa inaari ng Trece Martires at General Trias ng Cavite. Ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang bayan ng Rodriguez, Rizal hinggil sa maayos na operasyon ng Rodriguez Landfill sa tulong ng Special Action Committee ng RPOC at ang kahilingan sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa nagkakaisang hangarin laban sa ipinagbabawal na gamot.

Nagkaroon din ng paguulat sa kasalukuyang sitwasyon ng katahimikan at kaayusan sa CALABARZON, updates sa Starmakers blast na naganap sa Cavite, pagtugis sa mga most wanted persons at criminal gangs, sangkot sa droga, loose firearms, mga bagay na illegal at pagtukoy sa mga lugar kung saan malimit nangyayari ang krimen upang tutukan ng kapulisan na pinamumunuan ni P/Csupt. Perfecto P. Palad, Regional Director, PNP-PRO IV-A.

Nag-ulat din ang militar sa sitwasyon ng insurhensiya at mga hakbanging may kinalaman sa internal security sa pamumuno ni MGen Rolando M. Detabali, Commander, 2nd Infantry Division, Armed Forces of the Philippines kung saan iniulat na 202 barangays na lamang ang apektado ng insurhensiya sa buong rehiyon at sa kanilang patuloy na operasyon ay unti-unting nawawalan ng suporta ang mga rebelde mula sa mga tao.

Tinalakay din ang mga programa na kumakalinga sa mga rebelde na handang magbalik loob sa pamahalaan at ang mga tulong na kaakibat nito upang mamuhay na normal ang mga benepisyaryo at ang pag reorganisa sa komposisyon ng RPOC base sa Executive Order No. 739 kung saan tinalakay ni Regional Director Josefina E. Castillo-Go, CESO 111, Head, RPOC Secrtariat. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: GRP andam na para makighurohimangraw hit MILF Razon
»Waray-Waray News: Mga opurtunidad nakatalaan ha mga miyembro ha pag piperma ni Presidente Arroyo han 'Cooperative Code of 2008'
»Cebu Pacific now flies Manila-Calbayog
»Waray-Waray News: Task force, mag iimbistigar han mga nagtalapas han Oil Deregulation Law
»Comelec offices open on Saturdays, holidays starting February 28
»Decision on proposed fare cut to be announced before weekend, says LTFRB
»$198-M compensation package shows America's great respect for Filvets - US Embassy
»PGMA, investors visit Samal Mariculture Park
»Opportunities in Samal "aqua-industrial park"
»Finance Secretary, BIR Commissioner to lead BIR's kick-off tax campaign
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines