Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/20

Tagalog News: Batangas Port, sentro ng kalakalan sa Calabarzon

Batangas City (20 February) -- Ang Batangas Port ay sentro ng transportasyon at kalakal sa Mindoro at iba pang karatig-isla at trading point ng lahat ng industriya sa CALABARZON.

Ang Batangas Port Development Project Phase II, isang proyekto ni Pangulong Gloria M. Arroyo ay nagkakahalaga ng P7.8 bilyon o US$178 milyon na nagmula sa official development assistance ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC).

Ang proyekto ay binubuo ng dalawang phases: ang Phase 1 ay sinimulan noong 1995 at natapos noong 1999 sa kaubuuang halagang P1.7 bilyon.

May tatlong packages naman ang Phase II: Package 1 (P5.7 bilyon) natapos na rin at kinabibilangan ng marine at civil works maliban sa cargo equipment.

Kasama sa Package II (P1.26 milyon) ang supply installation ng passenger boarding bridges at natapos noong Setyembre 2001. Kasama rin dito ang dredging at reclamation, reconstruction ng general cargo berth ng first phase area na may probisyon para sa stacking yard, container freight station, terminal building, utilities, access road, at iba pang support facilities.

Sa package III (P366 milyon) kasama ang pagpapagawa ng port access roads at flyovers at iba pang pagsasa-ayos.

Samantala, binigyang diin ng Bureau of Customs (BoC) ang mga sumusunod na benepisyo ng Batangas Port - ang mga locators sa Calabarzon ay makakatipid ng hanggang 14 na porsyento sa cargo handling service habang ang transport cost ay mababawasan mula 40 porsyento hanggang 60 porysento; ang proseso ng dokumento sa Customs ay umaabot lamang sa 30 minuto dahil konting karga, mas mabilis na proseso at release ng dokumento; mas maraming lupain na tama sa mga pangangailangan ng mga shipping lines para sa kanilang container freight station; mga makabagong kagamitan; mas mabilis na maiikutan dahil walang truck ban sa Batangas at maaaring ibyahe ang mga kargamento 24/7 at malapit sa mga Peza zones.

Ang pantalan ay may pitong roll-on/roll-off (RO-RO) ramps. (PIA-Calabarzon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSO 8 bares results of 2006 census of RP business and industry
»Fish caging ventures in Samal City hailed a great success
»Recto lauds PhilHealth's move to help members
»PGMA hands over assistance to crisis-affected OFWs
»P1.134-B infra project to stir development in Samar's first district
»No classes on February 23 to mark EDSA People Power Revolt - PGMA
»There is retrieval plan for abandoned logs in Samar, DENR says
»500,000 jobs await jobseekers at DPWH simultaneous job fairs on February 23
»PGMA to inspect Zambo island town's zero-waste program
»Waray-Waray News: PGMA nanawagan hin pagkaurusa ha mga mayor han syudad para maibanan an pagkukure ha ekonomiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines