Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/20

Tagalog News: Feature: Matibay na buto, yaman mo!

Dagupan City (20 Pebrero) -- Ang paghubog ng matibay na buto ng inyong mga anak ay tulad din ng paghubog ng kanilang edukasyon. Pinakamainam na panahon para sa pagbuo ng malusog at matibay ng buto ng inyong mga anak ay habang bata pa sila, sapagkat ito ang panahon kung saan ang buto ay nabubuo, o ang tinatawag na peak bone mass.

Maraming bagay ang nakakaimpluwensya ng peak bone mass, tulad ng kasarian o gender, hormones, kalagayang pangnutrisyon o nutritional status at pisikal na gawain o physical activities.

Ang kasarian o gender ay nakakaapekto ng bone mass. Ito ay karaniwang mas mataas sa mga lalaki kaysa sa babae. Bago dumating ang pagbibinata at pagdadalaga, (o puberty), ang batang lalaki at babae ay sabay na nadedevelop ang bone mass. Pagkalipas ng puberty, ang lalaki ay mas nakakamit ang sapat na bone mass kaysa sa babae.

Ang mga hormones tulad ng estrogen at testosterone ay mahalaga din para sa pagbuo ng bone mass. Ang babae na maagang nagkaregla ay mas maayos ang bone density kaysa sa babaeng bihirang reglahin.

Ang kalagayang pangnutrisyon ay isa ring factor na nakakaimpluwensya ng bone mass. Ang kalsyum sa ating katawan ay karaniwang matatagpuan sa skeleton at ngipin. Ang kalsyum ang nagpapatibay ng ating mga buto at ngipin. Ito ay tumutulong din sa normal na pagbubuo ng dugo (blood clotting) at regular na pagpintig ng puso.

Ang gatas at ang mga produkto nito ang pinakamahalagang pinanggagalingan ng kalsyum sa ating pagkain. Bukod dito, ang gatas ay nagtataglay din ng mataas na uri ng protina na mahalaga para sa maayos at mabilis na paglaki. Mayaman din ang gatas sa bitamina A para sa maayos na paningin, riboflavin na tumutulong sa maayos at normal na nervous system, vitamin B12 (o cobalamin) para maiwasan ang pagkakaroon ng anemia, at ang phosphorus para sa maayos na paglaki ng skeleton at ngipin sa panahon ng kamusmusan at kabataan.

Bukod sa gatas at mga produkto nito, may iba pang uri ng pagkain na maaaring mapagkunan ng kalsyum, tulad ng maliliit na isda (gaya ng dilis), sardinas, tokwa, tofu, alamang, at mga madahong gulay tulad ng malunggay, saluyot, alugbati, at mustasa (VMHS/ PIA-Pangasinan/FNRI) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSO 8 bares results of 2006 census of RP business and industry
»Fish caging ventures in Samal City hailed a great success
»Recto lauds PhilHealth's move to help members
»PGMA hands over assistance to crisis-affected OFWs
»P1.134-B infra project to stir development in Samar's first district
»No classes on February 23 to mark EDSA People Power Revolt - PGMA
»There is retrieval plan for abandoned logs in Samar, DENR says
»500,000 jobs await jobseekers at DPWH simultaneous job fairs on February 23
»PGMA to inspect Zambo island town's zero-waste program
»Waray-Waray News: PGMA nanawagan hin pagkaurusa ha mga mayor han syudad para maibanan an pagkukure ha ekonomiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines