Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/20

Tagalog News: Soberenya ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo, protektado sa bagong baseline law

Manila (20 Pebrero) -- Tiniyak ng mga mambabatas na hindi inabandona o pinahina man ng bagong baseline law ang pag-angkin ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group at sa Scarborough Shoal.

Sa pamamagitan ng pagtrato sa mga nasabing teritoryo bilang "regime of islands sa ilalim ng Republika ng Pilipinas" alinsunod sa bagong pasang batas, napapanatili ng bansa ang kanyang pag-angkin sa Kalayaan Island Group at Scarborough Shoal nang hindi nagpapasimula ng gulo sa Timog Silangang Asia.

Tulad ng Pilipinas, inaangkin ng Tsina at Taiwan ang Kalayaan Island Group at Scarborough Shoal. Ang iba pang naghahabol sa Kalayaan Island Group ay ang Brunei at ang Vietnam.

Ang mga isla o teritoryo sa ilalim ng prinsipiyo ng regime of islands, ay magkakaroon ng sariling contiguous zone, nasasakupang karagatan at eklusibong economic zones.

Ipinasa ng Kongreso ang baselines law bilang pagtugon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan ang isang bansang arkipelago tulad ng Pilipinas ay maaring linawin ang kanyang teritoryong karagatan nang may 12 nautical miles, karagdagang 2 nautical miles para sa contiguous zone, 200 nautical miles na eklusibong economic zone, at pinahabang continental shelf nang hanggang 350 nautical miles.

Kinakailangang mayroong baselines law ang mga bansang archipelago bago sumapit ang ika-13 ng Mayo alinsunod sa palugit na itinakda ng UNCLOS. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSO 8 bares results of 2006 census of RP business and industry
»Fish caging ventures in Samal City hailed a great success
»Recto lauds PhilHealth's move to help members
»PGMA hands over assistance to crisis-affected OFWs
»P1.134-B infra project to stir development in Samar's first district
»No classes on February 23 to mark EDSA People Power Revolt - PGMA
»There is retrieval plan for abandoned logs in Samar, DENR says
»500,000 jobs await jobseekers at DPWH simultaneous job fairs on February 23
»PGMA to inspect Zambo island town's zero-waste program
»Waray-Waray News: PGMA nanawagan hin pagkaurusa ha mga mayor han syudad para maibanan an pagkukure ha ekonomiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines