Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/20

Tagalog News: Mahahalagang isyu ukol sa Balikatan exercise sa Bikol nilinaw ng Philippine Army

Sorsogon Province (February 20) -- Bilang counterpart ng engineering at medical team ng tropang Amerikano sa bansa, nilinaw ng mga kinatawan ng Philippine Army sa pangunguna nina 901st Deputy Brigade Commander Col. Romeo B. Ayton at Civil Military Relations Officer Captain Razaleighg Bansawan ang ilang mga mahahalagang isyu ukol sa gagawing Balikatan Exercise dito sa lalawigan ng Sorsogon at maging sa lalawigan ng Masbate at Albay sa darating na Abril ngayong taon.

Nilinaw ni Ayton na pangunahing layunin ng pinagsanib na pwersa ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa pagpunta dito ang magsagawa ng humanitarian missions sa mga aydentipikadong lugar na benepisyaryo ng Balikatan Exercise, at wala, aniya, itong intensyong makipagsabayan sa mga operasyong militar dito.

Dagdag din niya na may ilang mga modipikasyon ding ginawa para sa pagpapatupad ng Balikatan Exercise base sa mga naging karanasan na rin nila matapos ang mahigit 25 taong pagsasagawa ng Balikatan activities dito sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Bansawan na walang dapat na ikabahala ang mga Sorsoganon sapagkat, taliwas sa karanasan sa Mindanao kung saan armed conflict ang suliraning sinasagutan doon, dito sa rehiyon ng Bikol ay pawang humanitarian missions at hindi combat operations ang isasagawa sa Balikatan Exercise dahilan sa ito ang pangangailangan ng lugar dala ng epekto nang mga nagdaang kalamidad.

Aniya, maaaring magtagal lamang ng isang buwan dito sa lalawigan ng Sorsogon ang nasabing aktibidad.

Sa kaugnay na balita, sinabi rin ng mga opisyal na kinausap na ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro sina Sorsogon Governor Sally Lee, Albay Governor Joey Salceda at Masbate Governor Eliza Kho upang iprisinta ang mga proyektong dala ng Balikatan Exercise.

Sa lalawigan ng Sorsogon ay dalawang bayan ang magiging priority areas. Ito ay ang mga bayan ng Juban at Irosin kung saan makatatanggap ang mga ito ng karagdagang kalsada tulad ng mga farm to market roads, medical mission sa Brgy. Guruyan at Brgy. Patag sa bayan ng Irosin. Maliban dito ay magsasagawa rin ang nasabing tropa ng mga school buildings at water systems dito.

Ang mga proyektong ito ay natukoy base sa mga rekomendasyon na rin ng lokal na pamahalaan at base rin sa survey at inspeksyon na personal na isinagawa ng mga militar.

Umaasa naman ang nasabing mga opisyal na bibigyan ng pagkakataon ng mga residente dito na maisakatuparan ang nasabing Balikatan Exercise nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan at malabanan ang mga salik na nagpapahirap sa mga residente sa mga aydentipikadong lugar sa tatlong lalawigan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSO 8 bares results of 2006 census of RP business and industry
»Fish caging ventures in Samal City hailed a great success
»Recto lauds PhilHealth's move to help members
»PGMA hands over assistance to crisis-affected OFWs
»P1.134-B infra project to stir development in Samar's first district
»No classes on February 23 to mark EDSA People Power Revolt - PGMA
»There is retrieval plan for abandoned logs in Samar, DENR says
»500,000 jobs await jobseekers at DPWH simultaneous job fairs on February 23
»PGMA to inspect Zambo island town's zero-waste program
»Waray-Waray News: PGMA nanawagan hin pagkaurusa ha mga mayor han syudad para maibanan an pagkukure ha ekonomiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines