Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/20

Tagalog News: Lifestyle-related diseases nananatiling pangunahing dahilan ng kamatayan sa Sorsogon

Sorsogon Province (February 20) -- Inihayag ni Provincial Health Education and Promotion Officer Vivian Paguio na ang healthy lifestyle related diseases pa rin ang nananatiling pangunahing sanhi ng pagkakasakit at pagkakamatay ng karamihan sa mga residente dito sa lalawigan ng Sorsogon at maging sa buong bansa.

Ayon kay Paguio, kabilang ang sakit sa puso, stroke, pulmonya at diabetes sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga residente dito sa Sorsogon sa nakalipas na pitong taon, habang ang respiratory diseases na sinusundan naman ng mga mikrobyong nakukuha sa pagkain at tubig ang pangunahing sanhi ng pagkakasakit.

Sa statistics ng Sorsogon Provincial Health Office, lumalabas na pangunahing sanhi naman ng non-communicable diseases dito sa lalawigan ang hypertension, sugat, kakulangan sa nutrisyon, hika at Urinary Track Infection (UTI). Ang naturang mga sakit ay pawang may mga kaugnayan din sa hindi pagsunod sa wastong pangangalaga sa kalusugan at sa wastong pamamaraan ng pagkakaroon ng malusog na pamumuhay o non-healthy lifestyle.

Kaugnay nito, mas lalo pang binuhay, pinasigla at pinaigting ng Provincial Health Office dito ang adbokasiya sa kalusugan sa pamamagitan ng paglulunsad ng nationwide advocacy campaign na tinaguriang Healthy Lifestyle to the Max, nang sa gayon ay mas matutukan nito ang mga pamamaraang kailangan upang maiwasan ang patuloy na pagtaas pa ng bilang ng mga nangamamatay mula sa bagong panganak na sanggol hanggang sa matatandang kasapi ng pamilya dahilan sa mga sakit na nabanggit.

Bahagi rin, aniya, ang "HL to the Max" campaign ng pagpapatupad ng Department of Health foundational campaign ng kanilang mga pangunahing programa at serbisyong hango sa target ng Millennium Development Goals na makaiwas sa mga unhealthy lifestyle o unhealthy practices hindi lamang dito sa lokalidad kundi maging sa buong bansa.

Partikular na tinututukan ng din programang Healthy Lifestyle to the Max ang pitong mahahalagang praktis pangkalusugan tulad ng No Smoking, No to Drugs at No to Alcoholic Drinks. Kasama rin dito ang bantaya presyon, pagkain ng high fiber content food, pag-iwas sa mga pagkaing maaalat at mamantika, pag-eehersisyo at wastong pamamahala sa stress.

Matatandaang alinsunod sa Presidential Proclamation 958, idineklara ang taong 2005 hanggang 2015 bilang "Decade of Healthy Lifestyle" kung saan kinikilala nitong isang indikasyon ng matatag na republika ay ang pagkakaroon ng malusog na sambayanan.

Bilang tugon naman dito, hinikayat ni Paguio ang mga mamamayan na makipagtulungan sa kanila nang sa gayon ay masagutan na nang tuluyan ang mga salik na nagdadala ng ganitong uri ng mga sakit o kaya'y nagiging sanhi ng wala sa panahong kamatayan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSO 8 bares results of 2006 census of RP business and industry
»Fish caging ventures in Samal City hailed a great success
»Recto lauds PhilHealth's move to help members
»PGMA hands over assistance to crisis-affected OFWs
»P1.134-B infra project to stir development in Samar's first district
»No classes on February 23 to mark EDSA People Power Revolt - PGMA
»There is retrieval plan for abandoned logs in Samar, DENR says
»500,000 jobs await jobseekers at DPWH simultaneous job fairs on February 23
»PGMA to inspect Zambo island town's zero-waste program
»Waray-Waray News: PGMA nanawagan hin pagkaurusa ha mga mayor han syudad para maibanan an pagkukure ha ekonomiya
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines