Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/23

Tagalog News: Feature: Matibay na buto, yaman mo!

by Ma. Idelia G. Glorioso

Butuan City (23 February) -- Ang paghubog ng matibay na buto ng inyong mga anak ay tulad din ng paghubog ng kanilang edukasyon. Pinakamainam na panahon para sa pagbuo ng malusog at matibay ng buto ng inyong mga anak ay habang bata pa sila. Bakit? Sapagkat ito ang panahon kung saan ang buto ay nabubuo, o ang tinatawag na peak bone mass.

Maraming bagay ang nakakaimpluwensya ng peak bone mass, tulad ng kasarian o gender, hormones, kalagayang pangnutrisyon o nutritional status at pisikal na gawain o physical activities.

ng kasarian o gender ay nakakaapekto ng bone mass. Ito ay karaniwang mas mataas sa mga lalaki kaysa sa babae. Bago dumating ang pagbibinata at pagdadalaga, (o puberty), ang batang lalaki at babae ay sabay na nadedevelop ang bone mass. Pagkalipas ng puberty, ang lalaki ay mas nakakamit ang sapat na bone mass kaysa sa babae.

Ang mga hormones tulad ng estrogen at testosterone ay mahalaga din para sa pagbuo ng bone mass. Ang babae na maagang nagkaregla ay mas maayos ang bone density kaysa sa babaeng bihirang reglahin.

Ang kalagayang pangnutrisyon ay isa ring factor na nakakaimpluwensya ng bone mass. Ang kalsyum sa ating katawan ay karaniwang matatagpuan sa skeleton at ngipin. Ang kalsyum ang nagpapatibay ng ating mga buto at ngipin. Ito ay tumutulong din sa normal na pagbubuo ng dugo (blood clotting) at regular na pagpintig ng puso.

Ang gatas at ang mga produkto nito ang pinakamahalagang pinanggagalingan ng kalsyum sa ating pagkain. Bukod dito, ang gatas ay nagtataglay din ng mataas na uri ng protina na mahalaga para sa maayos at mabilis na paglaki. Mayaman din ang gatas sa bitamina A para sa maayos na paningin, riboflavin na tumutulong sa maayos at normal na nervous system, vitamin B12 (o cobalamin) para maiwasan ang pagkakaroon ng anemia, at ang phosphorus para sa maayos na paglaki ng skeleton at ngipin sa panahon ng kamusmusan at kabataan.

Ang pag-inom ng isang basong gatas na binubuo ng apat na kutsarang pulbos na gatas na tinunaw sa isang basong tubig ay makakapagdulot ng 310 miligramo ng kalsyum na katumbas ng 44 porsiyento na nirerekomendang dami ng kalsyum para sa batang may edad na 7-9 taong gulang.

Bukod sa gatas at mga produkto nito, may iba pang uri ng pagkain na maaaring mapagkunan ng kalsyum, tulad ng maliliit na isda (gaya ng dilis), sardinas, tokwa, tofu, alamang, at mga madahong gulay tulad ng malunggay, saluyot, alugbati, at mustasa.

Ang batang may edad na 7-9 taon ay nangangailangan ng 700 miligramo ng kalsyum sa isang araw. Upang makamit ang nirerekomendang dami ng kalsyum sa loob ng isang araw, ugaliing isama ang gatas, mga produkto na natataglay nito at iba pang pagkaing mayaman sa kalsyum sa kanilang diet. Para sa mga taong hindi naman mahilig sa gatas, maaaring isama ang gatas sa cereals, fruit shakes, halo-halo, pudding at iba pa.

Ang pisikal na gawain ay importante din sa pagbuo ng matibay na buto. Ang buto at kalamnan o muscles ay mas tumitibay kapag ito ay nagagamit. Kung ang inyong anak ay mas maraming pisikal na gawain, ang kanilang buto o kalamnan ay mas lulusog at titibay. Hikayatin ang inyong anak sa mga pisikal na gawain tulad paglalakad, pagtakbo, pagsayaw, pagbasketball at iba pa. Ang mga gawaing ito ay maganda o mainam sa pagbuo ng malusog na buto.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kalsyum at nutrisyon, lumiham o tumawag sa Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287, FNRI-DOST website:http//www.fnri@dost.gov.ph.,email:mvc@fnri.dost.gov.ph mar_v_c@yahoo.com. (FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: EDSA I - history worth remembering, spirit worth perpetrating
»DA bans bird, poultry from Belgium, British Columbia
»PGMA's visit to Zamboanga Sibugay highlights government's zero waste environmental program
»Zambo Norte MSU-IIT alumni gathering slated in Dipolog February 28
»Cebuano News: PGMA nagtawag sa Filipinos nga mokuha ug panig-ingna sa EDSA 1 sa pag atubang sa mga hagit sa pagkakaron
»Cebuano News: P91.3 bilyones gitagana gikan pa niadtong Enero alang sa plano sa pagpalambo sa ekonomiya - Remonde
»Cebuano News: PGMA, FilVets magsaulog sa pagpasa sa balaud sa US nga maghatag ug dugang nga benepisyo ngadto sa mga WW II veterans
»Cebuano News: Grupo sa mga sundalo gidayeg ni Pang. Arroyo tungod sa EDSA 1
»SIPPAD urges investigation of Samar's road construction
»USVA reps in Tacloban to interview Filvets for US benefit claims
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines