Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/23

Tagalog News: Feature: Kaalamang Pangtabako

by Marie T. Bugas

Butuan City (23 February) -- Kung tayo'y nasanay sa pagbabasa ng mga impormasyong mapagkakakitaan o kaalamang panghanapbuhay at pangtrabaho, narito naman ang ilang impormasyong nauukol sa mga "kaalamang pangtabako."

Ang tabako ay isang uri ng halamang pinakikinabangan sa kanyang dahon na ginagamit sa pagsisigarilyo (smoking), pagnguya (chewing), at pagsinghot (sniffing) dito. Sa paliwanag ng ika-sampung mensahe ng Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF), 2000 ("Para sa malusog na pamumuhay at wastong nutrisyon, mag-ehersisyo nang palagian, huwag manigarilyo, at iwasan ang pag-inom ng alak") na isinagawa ng inter-agency Technical Working Group na pinamunuan ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST), may tatlong mapanganib na sangkap na makikita sa sigarilyo. Ito ay ang: (a) carbon monoxide o ang gas na pumipinsala sa kakayahan ng dugo upang tustusan ng sapat na oxygen ang mga mahahalagang bahagi ng katawan.

Ito ang dahilan kung kaya't nagkakaroon ng kakulangan sa hangin para sa paghinga (shortness of breath) sa mga naninigarilyo; (b) nicotine ang sangkap na nakapagpapa-addict sa tabako. Nagbibigay panganib ito sa puso sa pamamagitan ng pagtaas ng blood pressure at heart rate; at (k) tar ang malagkit na kayumangging sangkap na makikita sa usok at nabubuo sa baga kapag ito'y ating nalanghap. Ito ay kilala bilang matapang na carcinogen o nakapagdudulot ng kanser. Kasama ng iba pang nakalalasong mga sangkap sa sigarilyo, ito ay maaaring maging sanhi ng lung cancer, emphysema, chronic bronchitis, ischemic heart disease, at hypertension. Ayon sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH), ang paggamit ng tabako ay nakadaragdag ng panganib sa pagkakaroon ng atake sa puso at mga iba pang mga sakit.

Ayon sa Philippine Cancer Society (halaw sa Inquirer News Service, Hunyo 2003), ang kanser sa baga ay nangungunang killer disease sa Pilipinas, na mayroong 11,000 kasong naitatala sa bawat taon. Tunay ngang nakababahala ito. Karagdagan dito, sa isinagawang Philippine Global Youth Tobacco Survey (GYTS) sa 11,630 na mga estudyante, sinasabing may 27 porsiyento sa mga ito ang kasalukuyang naninigarilyo. Nakagugulat ding impormasyon na napakataas ng Environmental Tobacco Smoke Exposure (ETS). Mula sa mga estudyanteng nakasama sa surbey, anim (6) sa 10 ang nakatira sa mga tahanang may naninigarilyo, mahigit pito (7) sa 10 ang nakahantad o exposed sa usok sa mga pampublikong lugar, at halos anim (6) sa 10 ay may mga magulang na naninigarilyo.

Sa kabilang banda ay makikita ring may pag-asa mula sa surbey na isinagawa sapagkat mahigit walo (8) sa 10 sa mga naninigarilyong mga estudyante ay nagnanais ding maihinto ang paninigarilyo. Isa itong napakagandang balita at kung gayon, tunay ngang may pag-asa pa.

Bilang pagbabahagi, ako ma'y nakaranas manigarilyo. Labis akong nagpapasalamat hindi dahil sa karanasang ito, kung hindi dahil natutunan ko ring ihinto ito. Isa itong tamang desisyon. Mula dito ay napatunayan kong wala ngang kabutihang maidudulot ang paninigarilyo sa aking katawan, sa ibang mga taong nakapaligid sa akin at nakalalanghap ng usok, at sa ating kapaligiran. Sa ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagsuportang itaguyod ang No Smoking sa pamamagitan ng paghimok sa iba, kabilang na ang aking kabiyak na maihinto na rin ang paninigarilyo. Nananatili akong may pag-asa sa pagdating ng araw kung saan wala ng "LAST" (lighter, ashtray, at stick ng tabako) sa kanilang buhay. Umaasa akong sana'y malapit na ito…

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagkain, kalusugan at nutrisyon, maaaring sumulat, tumawag o magsadya kay: Dr. Mario V. Capanzana, FNRI Director, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology, General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City; Telepono/Fax Bilang: 8372934, 8373164; Direct Line: 8391839; DOST Trunk Line: 8372071-82 local 2296 o 2284; e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com; FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: EDSA I - history worth remembering, spirit worth perpetrating
»DA bans bird, poultry from Belgium, British Columbia
»PGMA's visit to Zamboanga Sibugay highlights government's zero waste environmental program
»Zambo Norte MSU-IIT alumni gathering slated in Dipolog February 28
»Cebuano News: PGMA nagtawag sa Filipinos nga mokuha ug panig-ingna sa EDSA 1 sa pag atubang sa mga hagit sa pagkakaron
»Cebuano News: P91.3 bilyones gitagana gikan pa niadtong Enero alang sa plano sa pagpalambo sa ekonomiya - Remonde
»Cebuano News: PGMA, FilVets magsaulog sa pagpasa sa balaud sa US nga maghatag ug dugang nga benepisyo ngadto sa mga WW II veterans
»Cebuano News: Grupo sa mga sundalo gidayeg ni Pang. Arroyo tungod sa EDSA 1
»SIPPAD urges investigation of Samar's road construction
»USVA reps in Tacloban to interview Filvets for US benefit claims
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines