Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/23

Tagalog News: Feature: Ano ba ang syndrome X?

by Josefina T. Gonzales

Butuan City (23 February) -- Ikaw ba ay overweight, malaki ang tiyan, may hypertension, mataas ang cholesterol level at may diabetes? Kung meron ka ng mga ito, ikaw ay may Syndrome X.

Karamihan sa ating mga Filipino ay maganang kumain. Di natin maiwasan ang mga nakatutuksong pagkain na nabibili sa mga fast food chains at restaurants. Ngunit may ikabubuti ba ito sa ating kalusugan? Marami rin sa ating mga Pinoy ay overweight na. Kapag ang iyong Body Mass Index (BMI) ay 25-30, ikaw ay overweight:, kapag mahigit sa 30 ikaw ay obese na. Ang BMI ay nagsisilbing batayan upang malaman natin kung tama ang ating bigat ayon sa ating taas. Ang BMI ay malalaman sa pamamagitan ng pagkuha ng iyong timbang (sa kilo) at taas (sa metro). Ang formula para rito ay: BMI= timbang (kilo)/taas (metro2).

Ang Syndrome X na kadalasang tinatawag na metabolic syndrome ay resulta ng maling kaugalian sa pagkain. Ayon sa mga nutrition experts, kung ikaw ay maganang kumain at di gaanong gumagalaw o may sedentary lifestyle, magugulat ka na lang kung ikaw ay may syndrome X na pala.

Ang maling pagpili ng pagkain at kakulangan sa regular na ehersisyo ay isa sa mga pangunahing sanhi ng ganitong uri ng sakit. Ang healthy food diet ay makatutulong upang maiwasan natin ito.

Upang matulungan ang mga Filipino na maunawaan kung ano ang healthy food diet, si Gng. Sanirose Orbeta, Vice President ng Philippine Association for the Study of Overweight and Obesity (PASOO) at si Dr. Rodolfo F. Florentino dating FNRI, DOST Director at sa tulong ng mga researchers ng Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology ay gumawa ng Food Guide.

Ang Filipino Food Guide Pyramid ay merong limang stages. Ang unang stage o pinakabase ng pyramid ay nagsasabi na kinakailangan nating uminom ng maraming fluids tulad ng tubig at fruit juices. Ang pangalawang stage naman ay nagsasabing kailangang madalas kumain ng kanin, cereals, lamang ugat o rootcrops, pasta at tinapay. Ang pangatlong stage ay nagmumungkahi na kumain tayo ng tatlong dulot ng gulay at dalawa o tatlong dulot naman ng prutas sa isang araw. Sa pang-apat na stage naman, sinasabi na kailangang kumain ng katamtamang dami ng manok, isda, itlog, baka, baboy, mga tuyong gulay at non-fat dairy products tulad ng gatas. Ang pinakataas o pinakatuktuk ng pyramid ay nagsasabi na dapat kaunti lamang ang kainin nating butter, matatamis na desserts at maaalat na pagkain.

Ayon kay Gng. Orbeta, di man natin lubusang masunod ang nilalaman ng Food Guide Pyramid sa lahat ng oras, ay kailangan pa rin nating siguraduhing araw-araw tayong kumakain ng maraming gulay at prutas, madalas kumain ng kanin, cereals, lamang ugat at umiinom ng mahigit walong basong tubig upang tayo'y maging malusog at balanse ang food choices.

Para sa karagdagang kaalaman, maaari kayong sumulat o tumawag sa Director, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST), General Santos Ave. Bicutan, Taguig City, Metro Manila; Telephone/Fax no. 837-2934, 837-3164, e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph FNRI-DOST website: http//www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: EDSA I - history worth remembering, spirit worth perpetrating
»DA bans bird, poultry from Belgium, British Columbia
»PGMA's visit to Zamboanga Sibugay highlights government's zero waste environmental program
»Zambo Norte MSU-IIT alumni gathering slated in Dipolog February 28
»Cebuano News: PGMA nagtawag sa Filipinos nga mokuha ug panig-ingna sa EDSA 1 sa pag atubang sa mga hagit sa pagkakaron
»Cebuano News: P91.3 bilyones gitagana gikan pa niadtong Enero alang sa plano sa pagpalambo sa ekonomiya - Remonde
»Cebuano News: PGMA, FilVets magsaulog sa pagpasa sa balaud sa US nga maghatag ug dugang nga benepisyo ngadto sa mga WW II veterans
»Cebuano News: Grupo sa mga sundalo gidayeg ni Pang. Arroyo tungod sa EDSA 1
»SIPPAD urges investigation of Samar's road construction
»USVA reps in Tacloban to interview Filvets for US benefit claims
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines