Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/24

Tagalog News: Baselines bill, hindi paglabag sa kasunduang Asean-Tsina

Manila (24 February) -- Ipinagtanggol ng Malakanyang ang bagong Baselines bill sa pagsasabing pino-protektahan nito ang pambansang interes nang hindi isinasantabi ang mga saloobin ng mga karatig bansa sa rehiyon tulad ng Tsina na umaangkin sa Scarborough Shoal at Kalayaan Group of Islands.

Binatikos ng Tsina ang Pilipinas matapos maipasa ng Kongreso ang Baselines bill dahil paglabag di umano ito sa kanilang soberenya.

Ipinaliwanag ni Press Secretary Cerge Remonde na kinakailangan ang Baselines bill bilang pagtugon sa United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) na niratipikahan ng Pilipinas.

Bukod dito, sinabi ni Remonde na hindi rin lumabag sa Asean-China Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea kaya walang dapat ipangamba.

Sa ilalim ng Baselines bill, ang Scarborough Shoal at ang mga isla ng Kalayaan ay nabibilang sa "regime of islands" kung saan ang bawat isla ay may sariling contiguous zone, continental shelf, teritoryong pandagat at eksklusibong economic zone.

Isa sa mga isla ng Kalayaan ay kabilang sa mga munisipalidad ng Palawan: ang iba naman ay okupado ng mga sundalong Pilipino.

Tiniyak naman ni Remonde na nakahanda ang pamahalaan ng Pilipinas na pag-usapan sa United Nations ang nilalaman ng Baselines bill kasama ang Tsina at iba pang mga claimant. (KAlbay/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Random drug test next in Davao Region's public schools
»No costly graduation rites - DepEd
»Maasin City parish spearheads good governance orientation
»Feature: Long overdue benefits for Filvets among top priorities of Arroyo administration
»Gov't slates Synchronized Barangay Assembly on March 28
»Nearly 1000 Filvets in Region 8 start processing claims on US benefits
»PA-8 leads distribution of PGMA's "Tulong Para Kay Lolo at Lola" in Tanauan
»DOLE-IX implements NARS program
»Oil firms, retailers cut LPG, diesel prices
»LTFRB poises penalty vs jeepney drivers who ignore fare rollback
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines