Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/25

Tagalog News: Bagong Provincial Capitol, mas malapit na sa mga mamamayan ng Rizal

Calabarzon (25 February) -- Mas malapit na sa mga mamamayan ng Rizal ang pamahalaang panlalawigan sa na pagbubukas ng bagong 8,200-square meter Rizal Provincial Capitol sa Antipolo City. Ang P270-milyong bagong Kapitolyo na may tatlong palapag at ipinatayo ng Ortigas & Co. sa loob ng 5-ektaryang Ynares Center Complex ay pormal na pasisinayaan sa Marso 4, 2009.

Sinabi ni Rizal Gov. Casimiro Ynares II na ang paglipat sa bagong lokasyon na pinagtayuan ng Kapitolyo ay sagot sa mga panawagan ng kanyang nasasakupan na mailipat ang sentro ng pamahalaang panlalawigan sa loob ng teritoryo ng lalawigan.

Ang pagbubukas ng bagong Kapitolyo ay hudyat ng pagtatapos ng mga dekada nang pagtatanong kung bakit ang sentro ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ay patuloy na nasa Pasig City na hindi naman nasa loob ng teritoryo ng lalawigan, ayon pa kay Gov. Ynares III.

Ang mga lider ng pamahalaang lokal sa Rizal ay pinapurihan ang paglilipat ng Kapitolyo at ayon sa kanila, ito ay makakatulong mapalakas ang paglago ng ekonomiya sa probinsiya.

Pinapurihan din ng mga negosyante ang pagkilos ng pamahalaan panlalawigan ng Rizal na mailipat ang Kapitolyo sa Antipolo City mula sa Pasig dahil ito ay magbubukas ng mga bagong oportunidad sa pagnenegosyo sa mga iba't ibang bayan ng Rizal.

Natutuwa rin ang mga negosyante na ang mga bayan at siyudad sa ng probinsiya ay sa wakas ang magiging pangunahing benipisaryo sa paglipat ng provincial capitol sa bagong lokasyon.

Nauna rito, tinawag ng National Economic Development Authority ang atensiyon ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal kaugnay ng probisyon sa Local Government Code na nagtatakda na ang sentro ng pamahalaan ay dapat nasa capital town o siyudad ng probinsiya. (CPG PIA-Calabarzon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSA Gonzales, bishops push for transparent poll automation
»Soldiers' kids get scholarship
»Only Davao Norte has ready ECCD sustainability fund - CWC
»Joey Ayala lauds Musikahan
»PGMA bares Davao baseport expansion marker
»Army's 10th ID in need of 250 new soldiers
»DTI to create more micro industries in Davao City
»Gov. Malanyaon leads inauguration of shelter units in Davao Oriental
»World-renowned Arnis guru visits Davao
»PGMA matches Pangasinan town's school board's outlay for school improvement projects
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines