Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/25

Tagalog News: Pangulo pasisinayaan ang e-library sa Binalonan, Pangasinan

Manila (25 February) -- Bilang pagtupad sa kanyang pangakong mabigyan ng abot-kaya at de-kalidad na edukasyon ang mga kabataang Pilipino, pangungunahan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapasinaya ng kauna-unahang e-library ng Juan Macaraeg National High School sa baranggay Carnarvacanan bayan ng Binalonan Pangasinan.

Ang e-library na isinunod sa pangalan ng ina ng Pangulo, Donya Eva M. Macapagal Memorial Library Hub, ay magbibigay ng magkahalong mga babasahin at materyales sa pananaliksik ng mga mag-aaral ng paaralan, gayundin sa libu-libong mag-aaral at iba pang mamamayan ng lalawigan na nangangailangan ng impormasyon.

Ang Library Hub ay may 35,000 na iba-ibang aklat na maaaring hiramin ng mga mag-aaral ng 458 elementary at 101 high schools at walang bayad na dadalhin sa Division Offices. Mahalagang bahagi ng aklatang ito ang electronic library (e-library) na nasa ikalawang palapag ng gusali.

Ito ay itinayo sa halagang P3 milyon kung saan dalawang milyong piso (P2M) ay mula sa President's Social Fund at P1 milyon buhat sa lokal na pamahalaan. Ang aklatan ay may 21 computer na nakakonekta sa internet mula sa Commission on Information and Communication Technology (CICT) upang makatulong sa mga mag-aaral na magsasaliksik sa pamamagitan ng internet. (ABB/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NSA Gonzales, bishops push for transparent poll automation
»Soldiers' kids get scholarship
»Only Davao Norte has ready ECCD sustainability fund - CWC
»Joey Ayala lauds Musikahan
»PGMA bares Davao baseport expansion marker
»Army's 10th ID in need of 250 new soldiers
»DTI to create more micro industries in Davao City
»Gov. Malanyaon leads inauguration of shelter units in Davao Oriental
»World-renowned Arnis guru visits Davao
»PGMA matches Pangasinan town's school board's outlay for school improvement projects
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines