Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Pagpapaunlad ng mga barangay patuloy na isinusulong ng administrasyong panlalawigan

Calapan City (26 February) -- Sapagkat napakahalaga ng papel na ginagampan ng mga barangay sa lipunan kung kaya't nagpapatuloy ang pagpupunyagi ng Pamahalaang Panlalawigan upang higit pang mapaunlad ang pamumuhay ng mamamayan dito na magiging kabahagi sa pagpapaunlad ng ating lalawigan.

Araw ng Biyernes, Pebrero 6, binisita ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang Brgy. Proper Tiguisan sa bayan ng Bansud.

Lubos na kagalakan ang isinalubong ng mga taga-barangay sa gobernador sapagkat taong 1997 pa noong napuntahan ang kanilang barangay ng isang punong lalawigan.

Naging tampok na gawain ang pagkakaloob ng gobernador sa Proper Tiguisan Angat Kabuhayan Association ng tulong puhunang nagkakahalaga ng P50,000 para sa kanilang palay trading project. Mapalad na napabilang ang barangay sa mga benepisyaryo ng programang Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban o LIKHA KA ng Pamahalaang Panlalawigan.

Buong pusong pasasalamat sa pagtugon sa kanilang pangangailangan at pangakong pagyayamanin ang tulong na ibinigay sa kanila ang pahayag ni G. Emiliano Dalawangbayan, pangulo ng nabanggit na samahan..

"Walang ibang hangad ang inyong lingkod kundi ang makatulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang pangkabuhayan tulad ng LIKHA KA. Mahirap ang buhay sa panahong ito at papatindi pa, ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya kung kaya't kailangang kumita at madagdagan ang kabuhayan ng mamamayan," ang pahayag ng gobernador.

Sumaksi sa okasyon sina Brgy. Capt. Bonifacio Leuterio at LIKHA KA Coordinator Lorelein Sevilla.

Nang sumunod na araw, Brgy. Proper Bansud naman ang tinungo ng gobernador sa bayan pa rin ng Bansud upang makibahagi sa pagpupulong ng barangay.

Ayon sa gobernador, mahalaga ang ganitong pagpupulong sapagkat dito nag-uulat ang kapitan kung ano ang mga ginagawa nila sa barangay. Dito rin nalalaman ng mga tao ang mga proyekto ng barangay at maging ng pamahalaan. Dito rin naipaaabot sa mga tao kung saan at paano ginagastos ang pondo ng barangay. Kung may mungkahi o reklamo ay dito rin maaaring iparating ng mga taga-barangay.

Idinagdag pa ni Gobernador Arnan na kahit siya ay gobernador na ay nagpipilit pa rin siyang dumalo sa mga barangay assembly upang makipag-ugnayan sa mga tao at personal na makita ang pangangailangan ng mga ito. Mula nang siya ay manungkulan bilang punong lalawigan, marami na ring proyekto ang naipagkaloob sa bayan ng Bansud.

Taos-pusong pasasalamat ang pahatid sa gobernador ni Brgy. Capt. Norberto Villanueva sa naipagkaloob na proyekto at iba pang kahilingan ng kanilang barangay tulad ng footbridge sa Sitio Alegria na ginugulan ng P700,000, free-flowing water system, 100 bag ng semento para sa barangay at 100 bag din ng semento para sa kanilang paaralang elementarya.

"Labis ang aking pasasalamat sa paglalaan ni Gobernador Arnan ng pagkakataon para makapiling namin siya sa araw na ito," ayon kay Vice-Mayor Donato Manato. Buo ang suporta niya sa gobernador simula pa noong siya'y naging bise-gobernador sapagkat mahusay, aniya pa, ang naging pamamahala nito bilang lingkod bayan.

Nakibahagi rin sa gawain si ABC President at Pag-asa Brgy. Capt. Crispin Cabral. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines