Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Pamahalaang panlalawigan kaisa sa pagpapaunlad ng Puerto Galera

Calapan City (26 February) -- Mananatiling kaisa ng Puerto Galera ang pamahalaang panlalawigan sa pagtataguyod ng mga programang higit na magsusulong sa kaunlaran ng panturistang bayan ng Oriental Mindoro.

Noong Pebrero 14, panauhing pandangal si Gobernador Arnan sa pagdiriwang ng Barangay Night sa Municipal Gymnasium ng Puerto Galera.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Galerians sa Gobernador sa pangunguna nina Mayor Hubbert A. Dolor at ABC President Eleno Candava, mga kapitan ng lahat ng barangay at mga konsehal ng bayan ng Puerto Galera. Mahigpit ang pakikipag-kamay sa gobernador ng Galerians na nagpapatunay ng mahigpit na pag-uugnayan ng pamahalaang panlalawigan at ng bayan upang patuloy na ipakilala ang Puerto Galera bilang nangungunang panturistang bayan hindi lamang ng Oriental Mindoro kundi maging ng bansa.

Sa programang hudyat ng pormal na pagsisimula ng pagsasaya ng isang buong gabi ng mga nagkakaisang barangay, magkatulad ang mga pahayag nina Kapitan Candava at Mayor Dolor na paulit-ulit na pasasalamat sa walang sawa at patuloy na pagtulong ni Gobernador Arnan sa kanilang bayan.

"Maraming-maraming salamat po Governor. Napatunayan po namin na talagang kayo po ay kaisa namin dito sa aming magandang bayan ng Puerto," pahagay ni Kapitan Candava.

"Sa simula pa lamang ng aking panunungkulan ay ipinakita na ng ating mahal na gobernador ang kanyang sinserong pagtulong sa akin at sa ating bayan. Pasalamatan po natin siya sapagkat hanggang ngayon ay ipinakikita po niya ang kanyang walang sawang pag-agapay sa atin. Patuloy po siyang nagkakaloob ng mga proyekto at programa para sa higit na progreso ng ating bayan. Asahan po nating siya pa rin ang magiging gobernador sa susunod pang mga taon," pahayag naman ni Mayor Dolor.

Ayon naman kay Gobernador Arnan, kailanman ay hindi magsasawa ang kanyang pamunuan sa paghahatid ng mga proyekto sa maliit subalit napakayamang bayan ng Puerto Galera. Aniya, ang lahat ng higit pang magsusulong sa kaunlaran nito ay kanyang susuportahan.

Noong Hulyo nang nakalipas na taon sa pagpupulong ng sectoral committee on infrastructure development ng MIMAROPA region na pinamumunuan ni Gobernador Arnan ay inaprubahan ang pag-eendorso sa Regional Development Council ng Sewerage and Wastewater Treatment Project ng Puerto Galera. Ito ay matapos na ipresenta sa komite ni Mayor Dolor ang proyekto na ang pangunahing layunin ay maipreserba ang ganda at kalikasan ng bayang kauna-unahang man and biosphere reserve ng Pilpinas.

Bukod pa ito, sa mga road-concreting projects sa ilang barangay, pagbibigay ng livelihood assistance sa ilang mga samahan, pagkakaloob ng libreng health insurance sa mga mahihirap na mamamayan at marami pang iba.

"Makaaasa po kayong lahat ng mga taga-Puerto Galera na hangga't ang inyong lingkod ang gobernador ng lalawigan ay patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa paghahatid ng mga kailangang suporta at ayuda para sa patuloy na pag-unlad ng inyong mala-paraisong bayan," pahayag ng Gobernador. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines