Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Pagtataguyod sa industriya ng pagniniyog suportado ng Oriental Mindoro SP

Calapan City (26 February) -- Bilang pagsuporta sa adhikan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Arnan, na muling pasiglahin ang industriya ng pagniniyog sa lalawigan, inaprubahan ng SP, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Maria Estela Felipa M. Aceron, noong Pebrero 16 sa Kapitolyo, ang dalawang kapasiyahan kaugnay rito.

Batay sa naging ulat ng pinagsamang komite ng agriculture at laws, ordinances and legal matters na pinangungunahan nina Bokal Abraham Abas at Bokal Ferdinand Thomas Soller, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang SP Resolution No. 566-2009 na nagbibigay-pahintulot kay Gobernador Arnan na pumasok sa isang Memorandum of Understanding sa CIIF Oil Mills Group na kinabibilangan ng Granexport Manufacturing Corporation, Legaspi Oil Company, Inc., San Pablo Manufacturing Corporation, Cagayan De Oro Oil Company, Inc. at Southern Luzon Coconut Oil Mill, Inc., para sa implementasyon ng coconut/replanting sa ilalim ng plant now pay later scheme.

Inaprubahan din ang SP Resolution No. 567-2009, kaugnay naman sa isang Memorandum of Understanding ng Pamahalaang Panlalawigan at ng tanggapan ni Second District Representative Alfonso V. Umali, Jr., kaugnay sa pagpapatupad ng Philippine Coconut Industry Rehabilitation and Development Program sa lalawigan.

Batay sa ulat ni Bokal Abas, sa ilalim ng kasunduan, pagkakalooban ni Congressman Umali ng P500,000 pondo mula sa kanyang Priority Development Fund ang pamahalaang panlalawigan para sa implementasyon ng nasabing programa. Kabilang naman sa mga kondisyon ng SP sa pag-aapruba sa nabanggit na mga kapasiyahan ang pagsusumite ng konsernadong ahensya ng listahan ng mga benepisyaryo ng programa at ang iba pang mahahalagang detalyeng may kaugnayan sa pagpapatupad nito sa lalawigan.

Inaasahang sa pamamagitan ng mga proyektong ito, muling mapasisigla at higit pang mapapaunlad ang industriya ng pagniniyog sa lalawigan at matutulungang mapabuti ang buhay ng mga magniniyog na umaasa sa industriyang ito. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines