Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: P100,000 ipinagkaloob ni Gobernador Arnan sa samahan ng mga Muslim sa Puerto Galera

Calapan City (26 February) -- Sinsero ang pamahalaang panlalawigan na tulungan ang lahat nitong nasasakupan na iangat ang kanilang kabuhayan upang maayos silang makapamuhay at makapagbahagi sa kabuuang pag-unlad ng pamayanan at ng lalawigan.

Noong Pebrero 14, sa isang simpleng seremonya sa municipal gymnasium ng Puerto Galera ay personal na ipinagkaloob ni Gobernador Arnan ang P100,000 tseke kay Engr.. Albani M. Sarip, ang pangulo ng Galerian Muslims Unity Business Multi-Purpose Cooperative.

Ang pera ay tulong-puhunan ng pamahalaang panlalawigan sa may mahigit na tatlong daang kasapi ng nasabing kooperatiba.

Ayon kay Engr. Sarip, ang ipinautang sa kanilang pondo ay gagamitin nila sa re-lending project ng samahan. Aniya, hanggang sampung libong piso ang maaaring utangin ng kanilang mga kasapi na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang pagtitinda ng souvenir items sa White Beach, Sabang at Poblacion.

"Nagpapasalamat kami kay Governor Arnan sa maliit na suporta kanyang ipinagkaloob na napakalaking bagay naman ang ibibigay para sa maliliit na negosyanteng Muslim dito sa Puerto Galera," pahayag ni Engr. Sarip.

Samantala, tinagubilinan ng Gobernador ang mga opisyal at kasapi ng kooperatiba na pagyamanin ang tulong na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan. Aniya pa, sa bakasyon kung kailan higit na daragsa ang mga turista sa Puerto Galera ay inaasahan niyang mas marami silang maibebentang souvenir items na mangangahulugan ng mas malaking kita para sa kanila. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines