Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Cebuano News: RLSI kukuha ng 425 scholars

Calapan City (26 February) -- Apat na daan at dalawampu't limang estudyante ang libreng sasanayin ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa itinayong Regional Language Skills Institute (RLSI) sa Kapitolyo.

Sa pinakahuling pagpupulong ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Regional TESDA kung saan kinatawan ni Bokal Humerlito Dolor si Gobernador Arnan, napag-alaman na kukumpletuhin lamang ang 25 software working stations at sisimulan na ang operasyon para sa mga kursong English Proficiency at Finishing Course for Call Center Agents. Sa kasalukuyan, sinabi ni TESDA Provincial Director Asunsion Ordona na mayroon pa lamang 20 software working stations sa naturang institusyon.

Kasama ni Bokal Dolor na dumalo sa pagpupulong sina TESDA Regional Director Emmanuel S.. Isaac, TESDA Assistant Regional Director Baron Lagman, G. Dennis Mambil ng Oriental Mindoro Technical Education Schools Association; TESDA Provincial Director Asuncion Ordoņa, Senior TESDA Officer Lina Reyes, at G. Antonio Magnaye, kinatawan ng proyektong ACCESS.

Ayon kay Bokal Dolor, SP committe chairman on Technical-Vocational Education, kukuha ang RLSI ng 250 scholars para sa English Proficiency course at 165 para sa Finishing Course for Call Center Agents. Sa scholarship program na ito, may nakalaang P5,000 para sa tuition fee kada-iskolar at P60 daily allowance. Ang nasabing institute, aniya, ay isa lamang sa hindi na mabilang na pagtutuwang ng executive at legislative branches ng pamahalaang panlalawigan upang isulong ang kagalingan ng mamamayan.

Ayon naman kay Ordoņa, kailangan munang ipasa ng mga aplikante para sa mga nabanggit na 100-hour training courses ang pro-speak assessment na isang telephone assisted on-line conversation na ibinibigay ng TESDA. Kailangan rin, aniyang, nakapagtapos ng sekondarya at labing-walo hanggang limampu't limang taong-gulang ang nagnanais na kumuha ng scholarship.

Sa mga interesado, maaaring makakuha ng appplication form sa TESDA sa Concepcion Building, JP Rizal St., Calapan City o maaaring makipag-ugnayan sa telepono bilang 288-1276.

Samantala, ang RLSI, na itinayo noong Hulyo nang nakalipas na taon, ay malaking bahagi sa layunin ng pamahalaang panlalawigan na makalikha ng mga manggagawang episyente at may sapat na kaalaman at kakayahan para sa umuunlad na business process outsourcing industry sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ang proyekto na pinondohan ng P1.7M ng TESDA at P0.4M ng pamahalaang panlalawigan ay ang epektibong katuwang ng inilunsad na Specialized English Enhancement Course for Elementary and High School Teachers and other Language Users o SPEECH. Ang SPEECH ay isa namang training program upang hasain ang mga guro at mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles na itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan, pamahalaang lungsod ng Calapan, Department of Education at Shell Philippines-Malampaya. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines