Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Dugo Ko, Buhay Mo Recognition Day, isinagawa

Calapan City (26 February) -- Bilang pagkilala sa kanilang taus-pusong pakikiisa sa dakilang layunin ng blood donation campaign sa lalawigan, pinarangalan ng Oriental Mindoro Provincial Blood Council ang mga ahensya, samahan at organisasyon na naging voluntary blood donors sa lalawigan nitong nakaraang taon.

Pebrero 12 nang isagawa ang "Dugo Ko, Buhay Mo" Recognition Day sa Kapitolyo, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at OMPBC Chairman Maria Estela Felipa M. Aceron.

Dalawampu't anim (26) na mga ahensya, institusyon at samahan ang tumanggap ng "Dugo Ko, Buhay Mo " Kabalikat Award parangal para sa lahat ng mga nakiisa at nagtaguyod ng Mass Blood Donation activities.

Tinanggap naman ng Barangay Katwiran II ng Baco, Bayan ng Bulalacao, at PNP-Regional Mobile Group ang "Dugo Ko, Buhay Mo " Masigasig Award ang parangal para sa mga ahensya o samahan na may pinakamaraming Mobile Blood Donation activities na itinaguyod.

"Dugo Ko, Buhay Mo" Masagana Awardees naman ang Bayan ng Gloria, sa pamamagitan ni ABC President Rimando Recalde, at Philippine Ports Authority Oriental Mindoro, sa pangunguna ni PPA-Calapan Port Manager Felix Barcala sa pagiging may pinakamaraming bilang ng voluntary blood donors sa isang mass blood donation activity. Ang bayan ng Gloria ay nakapagtala ng 60 blood donors sa Mobile Blood Donation Activity dito noong Setyembre nang nakaraang taon, samantalang 75 donors naman ang sa PPA noong buwan ng Nobyembre.

Kinilala rin ang mga lokal na pamahalaan ng Naujan, Lungsod ng Calapan, San Teodoro, Pola, Victoria at Puerto Galera sa pagkakaroon ng kani-kanilang Local Blood Councils.

Tinanggap naman ang Busilka Award nina Ginoong Benigno Evangelista at Ginoong Victorino Dizon, walk-in donors, at kapwa boluntaryong nakapagbigay na ng tig-10 beses ng kanilang dugo.

Taus-pusong pasasalamat at panghihikayat sa lahat ng mga ahensya at samahan ang ipinaabot ni Bise-Gobernador Aceron sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa blood donation campaign ng OMPBC sa lalawigan. Aniya pa, hindi titigil ang konseho sa pagtupad sa dakilang layuning makatulong sa mga mamamayan sa lalawigan na lubha at dagliang nangangailangan ng dugo sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa at pangangasiwa sa mga mobile blood donation activities sa iba't ibang panig ng lalawigan. Hinikayat naman niya ang lahat ng mga interesadong maging blood donors na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo o sa Oriental Mindoro Provincial Hospital.

Papuri at pasasalamat naman ang ipinahayag ni Center for Health Development Region IV-B Regional Blood Program Coordinator Ramonito Martin sa OMPBC sa aniya'y mahusay at masigasig na pagkilos ng konseho sa pagpapalaganap at pagpapaigting ng blood donation campaign sa Oriental Mindoro. Aniya pa, laging una ang OMPBC sa rehiyon sa pagpapatupad ng mga proyekto, kabilang na rito ang pagsasagawa ng Dugo Ko, Buhay Mo Recognition Day.

Kabilang naman sa mga nakiisa sa gawain at tumanggap ng kani-kanilang parangal sina Puerto Galera Mayor Hubbert Dolor, Roxas Mayor Jackson Dy, Victoria Vice-Mayor Luis Castillet, Naujan Vice-Mayor Wilson Viray, Bongabong Vice-Mayor Alfonso Montalbo, SB chairmen on health, city at municipal health officers, chiefs of hospitals, Bokal Corazon Agarap, at mga myembro ng OMPBC, sa pangunguna nina SP Committee on Health Bokal Romeo Infantado, Dr. Jonathan Leviste ng OMPH, DOH Representative Dra. Elsa Alberto, Dra. Erlinda Badillo, Mr. Ding Vega, Chief of Staff Bob Macalalad at iba pa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines