Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Oriental Mindoro mayroon nang SWAT teams; 62 pulis nakapagtapos ng pagsasanay

Calapan City (26 February) -- Nagsipagtapos na ang may 62 pulis na nagmula sa iba't ibang yunit sa Special Weapons and Tactics o SWAT training na inilunsad sa lalawigan noong nakalipas na taon.

Ang presentasyon ng mga nagsipagsanay ay pinangasiwaan ni Assistant Provincial Director for Administration Police Chief Inspector Christopher Abecia samantalang ginampanan ni Human Resource Development Division Chief Police Senior Inspector Efraim Camara ang pagpapahayag ng mga nagsipagtapos.

Naging panauhing pandangal si Bise-Gobernador Maria Estela Felipa Aceron sa ginanap na programa kaugnay ng pagtatapos sa Camp Efigenio Navarro sa Brgy. Suqui, Lungsod ng Calapan noong Pebrero 11.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Bise-Gobernador na ang pagsasanay na nabanggit ay napakahalaga sapagkat hindi aniya natin maaaring hayaang malagay sa peligro o anumang kapahamakan ang ating mga kababayan dahilan sa hindi natin kahandaan. Pagkilala rin ang kaniyang paabot sa ginagawang pagpapanibagong-hubog ng ating mga pulis upang mabago ang pagtingin sa kanila ng taumbayan. Ang mga pulis, aniya, ay hindi lamang tagapagtanggol ng mamamayan manapa'y katuwang nating lahat sa pagpapaunlad ng ating lalawigan.

Magkatuwang sina Bise-Gobernador Aceron at PNP Provincial Director Agrimero Cruz sa paggawad ng mga medalya ng karangalan sa mga nagtapos na nakapagpakita ng katangi-tanging kahusayan sa naturang pagsasanay; ang paggawad ng katibayan ng pagtatapos at ang seremonial na paglalagay ng SWAT badge.

Plake ng pasasalamat ang ipinagkaloob ni PD Cruz kay Bise-Gobernador Aceron at Board Member Romeo Infantado na siyang Committee Chairman on Peace and Order ng Sangguniang Panlalawigan.

Taus-pusong pagkilala sa malaki niyang ambag upang matagumpay na mailunsad ang kanilang SWAT training ang paabot naman ni PD Cruz kay Gobernador Arnan.

Kauna-unahan ang naturang pagsasanay sa lalawigan na ang layunin ay higit pang hasain ang kakayanan ng mga pulis sa pagresponde sa urban crisis situations tulad ng bank robberies, kidnapping, hostage-taking at iba pa. Bahagi ito ng pinaiigting na kampanya ng pulis kontra sa terorismo na patuloy sa paglaganap sa ating bansa. Dahilan sa kakulangan sa mga tao, babalik pa rin sa kani-kanilang mga yunit ang mga nagsipagsanay at bubuuin lamang sila kapag may sitwasyon na kailangan silang magresponde. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines