Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: SEA-K: Tulong-puhunan Laban sa kahirapan

Calapan City (26 February) -- Paano nga bang ang kaunting tulong-puhunan mula sa Pamahalaang Panlalawigan, ang kakaunting tulong-pinansyal na kaloob ng pamahalaan, ay nakatutulong upang kahit papaano, unti-unting maiangat ang uri ng pamumuhay ng ating mga kababayan?

Ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Arnan C. Panaligan, ay patuloy na nagbabalangkas at nagpapatupad ng mga programa at proyektong naglalayong tumulong at umagapay sa mga nangangailangan nating kababayan, at patuloy na nagsasagawa ng mahahalagang hakbanging pangkaunlaran upang bigyang-kapangyarihan ang mga mamamayan na magtagumpay laban sa kahirapan. Kabilang na rito ang Self-Employment Assistance-Kaunlaran program.

Sa Barangay Panggulayan, sa bayan ng Pinamalayan, nakilala namin sina Kagawad Fely Narito at mga ina ng tahanan na mga paunang benepisyaryo ng programang SEA-K sa kanilang barangay.

Si Aling Eden, 53 taong gulang at may anim na anak. Dati nang magtitinda ng lutong meryenda si Aling Eden. Pero dahil sa tulong ng P2,500 puhunan mula sa SEA-K, sari-saring lutong ulam na ngayon ang itinitinda niya. Maliit man kung tutuusin ang halagang kanyang kinikita sa araw-araw, itinuturing ni Aling Eden na malaking tulong ito sa kanilang pamilya, lalo na ngayong may sakit ang kanyang asawa na pansamantalang tumigil ngayon sa pamamasada ng kanilang naipundar na tricycle.

Si Aling Rebecca naman, malaking pasasalamat din ang paabot sa pamahalaan sa P2,500 tulong-puhunan na tinanggap niya para pandagdag-puhunan sa kanyang maliit na sari-sari store.

Tulad naman ni Aling Eden, sa pagtitinda ng lutong pagkain unang ginamit ni Aling Daria ang P1,500 tulong-puhunan na kanyang tinanggap mula sa SEA-K, noong Hulyo nang nakaraang taon. Mula sa tubo niyang P3,000 sa pagtitinda, sa pagsusubi niya ng P20.00 kada-araw, buong pagmamalaking ipinakita sa amin ni Aling Daria ang nabili niyang dalawang baboy mga bunga ng kanyang sipag, tiyaga at pagsisikap na gamitin sa tamang paraan ang tulong na ipinagkaloob sa kanya ng pamahalaan.

Isang day care worker naman si Ginang Maritess Nitural, 44 taong gulang at may dalawang anak at itinuturing ding malaking tulong ang P5,000 tulong-puhunan ang natanggap mula SEA-K para sa kanyang hog-raising project. Naipagbili na niya ang isang baboy na nauna niyang alagaan.

Tulong-puhunan na P3,000 naman para sa kanyang maliit na sari-sari store ang tinanggap mula sa SEA-K ni Annabelle Narito, 26 na taong gulang at taus-pusong pasasalamat ang kanyang ipinapaabot sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob sa kanya ng tulong puhunan.

Ayon kay Kagawad Fely, sina Aling Eden, Aling Rebecca, Aling Daria, Ginang Maritess at Annabelle, ay lima lamang sa 14 na mga kababaihang natulungan ng administrasyon ni Gobernador Arnan, sa pamamagitan ng PSWDO na pinamumunuan ni PSWD Officer Teresita Umbao, sa ilalim ng programang SEA-K. Aniya, Hulyo nang nakaraang taon nang ipagkaloob sa kanila ang may kabuuang P35,000 tulong-pinansyal para sa iba't ibang mga proyektong pangkabuhayan tulad ng food vending, buy and sell, hog-raising, sewing, at sari-sari store. Halos lahat, aniya, sa 14 na mga benepisyaryo, sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap at pagtitiyaga, ay nakatapos na sa anim na buwang paghuhulog sa SEA-K.

Ayon pa kay Kagawad Fely, mapapatunayan ang kagandahan ng proyektong SEA-K sa mabubuting epekto nito sa kanyang mga ka-barangay maliban sa pagbibigay ng dagdag-kita, ngayon nailalaan na, aniya pa, ng mga kababaihang ito sa mas kapaki-pakinabang na mga gawain ang kanilang panahon. At kung dati-rati, ay umaasa sa pautangan o 5-6 kung kailangan ng pera, ngayon, sa pakau-kaunting naitatabi mula sa kanilang kita, nakakaraos ang kani-kanilang mga pamilya.

Sa ngalan ng lahat ng mga kababaihang natulungan ng pamahalaan sa Barangay Panggulayan, ipinapaabot ni Kosehala Fely ang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Arnan at sa pamamagitan ni Madam Umbao sa pagkakaloob ng tulong-puhunan sa kanyang mga ka-barangay, tulong na nagsisilbing kanilang puhunan para maging mas produktibong mga ginang ng tahanan.

Ang SEA-K ay isa lamang sa napakaraming mga proyektong pangkabuhayan ng administrasyon ni Gobernador Arnan na laan sa ating mga nangangailangang kababayan. Responsibilidad ng mga benepisyaryo ng proyekto ang siguruhing nagagamit ito sa maayos na paraan upang makatulong sa pag-aangat sa uri ng pamumuhay ng kanilang pamilya, pamayanan at lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines