Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: P429 milyon infrastructure projects sa Rehiyon Dose

Koronadal City (26 February) -- Ini-ulat ng Department of Agriculture (DA) dito sa rehiyon dose na umabot sa mahigit PhP429 milyon ang halaga ng mga infrastructure projects na ipinatupad sa SOCCSKSARGEN region mula noong 2008.

Sa isinagawang turn-over ng tulay at pagsimula ng konstruksiyon ng farm-to-market road sa Fataldon, San Jose, sa lungsod ng Heneral Santos, inilahad ni DA 12 regional executive director Abusama Alid na ang nasabing pondo ay naipamahagi sa apat na probinsiya ng rehiyon kung saan mahigit PhP73 milyon ang napunta sa lalawigan ng Cotabato; PhP49 milyon sa Sultan Kudarat; mahigit PhP30 milyon sa Sarangani; samantalang ang South Cotabato ay nabigyan ng PhP35 milyon at ang lungsod ng Heneral Santos na tumanggap ng mahigit PhP29 milyon.

Mahigit PhP50 milyon naman umano ang inilaan sa Infrastructure for Rural Productivity Enhancement Sector (InfRES) project, samantalang ang mga proyekto sa ilalim ng Mindanao Rural Development Program (MRDP) ay nagkakahalaga ng PhP67 milyon. Ang mga infrastructure project, ayon sa ulat ng DA 12, mula sa National Irrigation Administration ay nagkakahalaga ng PhP90 milyon, samantalang mahigit PhP74 milyon ang nagmula sa SOCSKSARGEN project.

Binigyang diin ni Alid na ang mga proyektong pang-agrikultura ay malaking tulong upang mai-angat ang kabuhayan ng mga magsasaka mula sa South Central Mindanao region. (ney-DA12/ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines