Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Energy security thrust ng pamahalaan kasalukuyang isinasagawa

Manila (26 February) -- Kasalukuyan ng isinasagawa ang energy security thrust ng pamahalaan na naglalayong mapataas ang energy sufficiency ng bansa sa animnapung porsyento (60%) sa susunod na taon at inaasahang makatulong sa pagbaba ng nakakasirang carbon dioxide emissions.

Ang nabanggit na proyekto ay sinuportahan naman ng Hedcor, isang subsidiary ng Aboitiz Ventures, Inc. kung saan namuhunan ito ng mahigit limang (5) bilyong piso sa Sibulan Hydropower Project na matatagpuan sa Barangay Sibulan sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur. Ito umano ang pinakamalaking pamumuhunan ng Aboitiz Group sa power sector.

Kukunin ang enerhiya ng naturang hydro project mula sa daloy ng tubig sa Sibulan at Baroring river sa lalawigan ng Davao del Sur na may 42.5 megawatts power generating capacity. Wala naman umanong dapat ikabahala ang mga mamamayan sapagkat ang proyekto ay hindi mangangailangan ng dam construction at water impounding kung kaya't hindi umano ito magdudulot ng pagbaha kung sakaling magkaroon ng technical accidents o force majeure.

Ang nabanggit na pasilidad ay inaasahang makakapag-generate ng sizable volume ng malinis o 'green energy' bawat taon para sa Mindanao Grid na makakatulong upang masolusyunan ang mga banta ng global warming at climate change sapagkat nakakapagpababa umano ito ng greenhouse gas emissions ng mahigit 80,000 tons ng carbon dioxide bawat taon. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines